tama na
eto akot kabado,hindi ko alam kung paano ko sasabihin ito,,saan ako magsisimula,,nalilito ako namamawis na ang mga kamay kong pasmado..
ano nga bang rason para sabihin ko ang salitang tama na,,litong lito ako dapat ko bang gawin ito?o dapat bang ituloy ko parin kung anong meron tayo kahit na niloloko mo lang ako..
isa-isang tingin ko palang sayo nabihag na agad ang puso ko,,dalawa-dalawang beses kong kinurap ang mga mata ko nung araw na makita kita,,tatlo-tatlong segundo lang kitang tinitigan dahil agad kang umalis sa harap ko,,apat-apat na beses akong nagtatalon sa tuwa noong makita kitang nasa harapan ko,,lima-limang beses kong pinigilan ang ihi ko nung mga araw na kasama kita,,anim-anim na patak ng luha ang tumulo galing sa mga mata ng sabihin mong mahal mo rin ko,,pito-pitong buwan na tayo at napapansin kong may nagbago pero d ko na lng pinansin ulit ito,,walo-walong beses kong inilapat ang mga palad ko sa makapal na muka mo ng makita kitang may kasamang iba,,siyam-siyam na buwan na pala kayo ng babae mo,,sampu-sampung beses ko iniisip kung sasabihin ko ba sayong ayoko na suko na pagod na ako tigilan na natin to..
at ngayong araw na ito,,handa na ako,,malakas na ang loob ko,,sasabihin ko na ang mga salitang ito ng diretsyo,,tama na nakakapagod na,,tama na suko na ako,,at tama na kase pinapalaya na kita..
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
mga katotoo kung may tanong kayo about sa love message nyo lang po ako,,example mahal ko o mahal ako o kaya what is love..yung mga ganyang tanong😂😂feeling magaling iz me😂😂
