spoken 3

212 4 0
                                    

"kaibigan"

kaibigan,,,sila ung taong nandyan lagi sa tabi mo,,sila ung taong nandyan lagi sa lahat ng bagay ng gagawin mo,,at sila din yung taong dadamayan ka sa lahat ng kadramahan mo,,parang ako kaibigan mo...

ano bang meron ka at napapasunod mo ako sa lahat ng bagay na gagawin mo,kahit na ang drama drama mo eto parin ako't nakikinig sayo,,kahit na ang OA OA mo eto parin ako't nakikisabay sa mga bagay na ginagawa mo,,

hindi ko alam kung bakit napapasunod mo ako sa mga bagay na ginagawa mo,,yung tipong isang ngiti mo lng napapasunod mo na ako,,hindi naman ako allergy sayo pero bakit papalapit ka pa lng namumula na ako,,

ang saya saya ko kapag kasama kita,,ang saya saya ko kapag nakikita kita,,pangalan mo lagi ang bukang bibig ko,,hanggang sa pag uwi ko ikaw parin ang binibigkas ng mga labi ko,,

nalilito ako sa nararamdaman ko,kaibigan lang kita pero bakit ang lakas ng tama ko sayo,,parang kang isang magandang panaginip na hindi maalis sa isip ko,,bakit ganon,,kaibigan mo lng ako pero napapasaya mo ako sa pamamagitan ng ngiti mo..

nahulog na ako sayo,,pero d ko ipinaalam ang nararamdaman ko sayo,,ayoko kaseng iwasan mo ako kapag nalaman mo,,nataakot ako magbago ang paningin mo saakin sa oras na malaman mo na may gusto ako sayo,,

lumipas ang araw,,linggo,,at buwan,,napansin ko na lumalayo kna saakin,may nagawa ba ako para layuan mo?pinilit kitang kausapin,,pero iniiwasan mo lng ako,,anong nangyari hindi naman tayo dating ganito,,,

hanggang sa dumating ang araw na nalaman ko,,na kaya pla tayo naging ganto,,ng dahil sa babaeng mahal mo,,sinabi nyang layuan mo ako,,at ikaw naman itong tanga na sunod sunuran sa kanya,,

eh bat ba ako nasasaktan ng ganito,,wala naman akong rason para magalit sayo,,hindi kita masisisi kung sya ang pipiliin mo,,ehh ano bang karapatan ko??wala naman akong karapatang bawiin ka sa kanya kase hindi ka naman akin,,at wala rin naman akong karapatang ipaglaban ka,kase kahit kailan,hindi ka naman naging akin....

spoken word poetryWhere stories live. Discover now