CHAPTER II: HE's HOT (LITERALLY)

22 0 0
                                    

CHAPTER II: HE's HOT

(JUSTINE'S POV)

Grabe ang lakas ng ulan, pagabi na. sobarang dilim na sa daan. dagdag pa ang kapal ng patak ng ulan. kundi dahil sa ilaw ng mga Lamp Post. Wala kang makikita. 

Buti nalang Girlscout ang lola niyo, may dala ako laging payong para sa mga ganitong mga biglaang mga pag-ulan. Iba na handa.

Kakadismiss lang ng last subject ko. ayoko na tumambay, kapag kasama ko yung mga barkada ko, tsaka lang ako natambay. ano namang sense ng pagtambay ko kung wala ang barkada.

Sila mhy at joan ang lagi kong kasama pagtambay sa Quadrangle pero yun nga, hindi ko sila nakta ngayon.

Hindi ko pa ulit sila nakikita simula nung bakasyon, Salamat na lang sa teknolohiya at nakakausap ko pa sila kahit papano.

Nagbakasyon daw kasi sila sa mga probinsya nila, ingit nga ako e. Edi sila na nagbakasyon, at ako na kawawa.

May ibibigay nga daw silang mga pasalubong saken. Keychain, Chocolate, etc. mga ganun daw. excited na nga ako e, gusto ko nang lantakan ang mga pasalubong nila. Mahal na mahal nila ako no?! Sana lang totoo baka naman kasi tinotalkies lang nila ako, tapos wala naman pala. Magpapakabusog ako if ever na madami nga.

Kapag magkakasama kami, kahit nasaan kami abutin ng mga paa namin sa paggala. Madalas nga kaming gumala, yun ang bonding namin e. Nakakahiya nga kami minsan, kasi maingay kami kapag magkakasama kahit sa jeep at papauwi na kami. Wala nang nagsasalitang iba e. Puro boses lang namin ang naririnig. Malas ng mga kasabay namin no?!

Sayang hindi ko na nakuwento ang mga kamalasan ko kanina.

Nga pala pakilala ko sa inyo ang mga kaibigan ko.

Si Myra Gomez. Ang leader ng grupo namin at ng class organization nung highschool. Tawag namin sa kanya Mhy. Palaging nominated for President of class organization sa batch namin. She's taking Nursing. Friendly at mabait. Pero ewan ko lang kung bakit ko naging bestfriend to lagi ko ngayon lang naman to nagijg mabait saken kasi enemy turingan namin dati lalo na nung elementary kami..>.<

Prangka. siya yung tipong direct to the point talaga kapag bumanat kaya wag silang patanga tanga sa kanya.

Hinahangaan ko siya sa pagiging responsable nyang tao.

Yung isa ko pang bestfriend, si Joana Marie Mangilin, Joan nalang daw kung inyong mamarapatin (what a term?! >.<)

Venus raj ang height, ala beauty queen kung baga. kakahiya ngang tumabi sa kanya, nagmumuka kaming lumot sa gilid.^^

Talent nya ang magsulat ng kung ano-ano, kaya nakasali sya sa Newspaper org ng school namin, contributor siya dun. Kaya siguro kinuha niya ang Broadcasting, (napaka-Brainy).

Sa tatlo kong kaibigan siya yung madalas kong kasama. Trip namin ang pagigitara kaya if ever may gitarang available, nagjajamming kami sa kanila. Sanay na kami sa isat-isa,  kaya minsan kahit simpleng senyasan magkakaintindihan na kami. xD

Matagal ko na din silang kasama, since grade 2 kaya ganun katibay ang aming samahan. Kaya kahit simpleng utot at hininga ng bawat isa, saulo na namin.

Meron pa pala pero hindi namin siya kasama ngayon.. si Melanie Robles,. Anie for short,.

Magkaiba kasi ang way namin from school. Kaya hndi nanamin sya nakakasabay,. Kaya sa school nalang din namin siya nakakasama, at syempre minsan kapag may lakad kami or else kapag sa bahay nila kami natambay.

Between You and Me by mgaSTORYkongSCRATCHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon