Jasper took me to an orphanage. Doon kami laging pumupunta kapag free time namin noong kami pa.
“Bakit mo ako dinala dito?” tanong ko sa kanya.
“Alam ko kung gaano ka kinocomfort ng lugar na ito so naisip ko na dito ka na lang dalhin,” sabi niya sa akin.
Sabay kaming pumasok at sinalubong kami ni Sister Wena.
“Cassie! Jasper! Ang tagal niyo nang di bumisita rito,” sabi ni Sister sa amin tapos sinamahan kami papunta sa playroom ng mga bata. Pagkapasok pa lang namin sa kwarto, agad na kaming sinalubong ng mga ngiti ng mga bata rito.
“Mommy Cass! Daddy Jas!” sigaw nilang lahat. Mommy at Daddy ang tawag nila sa amin. Sila rin kasi ang nagrequest noon dahil sabi nila, gusto nilang maranasan ang magkaroon ng mga magulang. Syempre, pinayagan naman namin sila.
“Mommy, Daddy? Bakit di kayo magkahawak ng hands? Diba dati, lagi kayong magkahawak? Sabi pa nga ni Daddy, sobrang soft daw ng hands mo, diba?” tanong ni Tristan. Nagtanguan naman ang ibang bata.
Takte, paano ba namin sasabihin sa mga bata na wala na kami ni Jasper?
Magsasalita na sana ako nang biglang hawakan ni Jasper ang kamay ko.
“Kayo naman, nakalimutan lang namin. Oh, anong nilalaro niyo?” tanong niya sa akin habang hawak-hawak ang kamay ko.
“Naglalaro po kami ng tagu-taguan! Sali po kayo sa amin!” aya nila sa akin. Ngumiti naman ako.
“Game!” sabi ko tapos tinanggal ang heels ko.
“Kami na pong bahala sa mga bata. Magpahinga po muna kayo,” sabi namin kila Sister. Nagpasalamat naman sila tapos pumasok na sa quarters nila.
“Jasper?” tawag ko kay Jasper. Tumingin naman siya sa akin habang may ngiti sa mga labi niya.
“Pwede mo nang bitawan ang kamay ko,” sabi ko sa kanya. Lalong lumapad ang mga ngiti niya.
“Ayaw ko,” sabi niya tapos lalong hinigpitan ang hawak sa akin.
“Jasper, may boyfriend na ako. Hindi na ‘to pwede.”
“Alin ang di pwede? Ang pasayahin ang mga bata? Ang selfish naman ata ng boyfriend mo.”
“Hindi iyon ang ibig kong sabihin! Tingin ko, dapat na nating sabihin sa mga bata na hiwalay na tayo. We should not give them false hope,” sabi ko sa kanya.
“Didn’t you see their faces earlier, Cassandra? Sobrang lungkot nila noong nakita nilang di magkahawak ang mga kamay natin! Doon pa lang malungkot na sila,” sabi niya. Natahimik naman ako sa sinabi niya. Nakita ko iyon kanina at aaminin ko, nalulungkot din ako kapag nakikita ko silang malungkot.
“Dito lang naman tayo sa orphanage magpapanggap na tayo e. I’m sure your boyfriend won’t mind,” sabi niya sa akin. Tumango naman ako sa sinabi niya.
