I was taken aback by what Jasper said.
“What do you mean to say?” I asked him.
“I shouldn’t have told you that,” he said, profanities coming out of his mouth.
“Jasper, sinabi mo na rin lang. Bakit di mo pa i-explain sa akin?” tanong ko sa kanya.
“Nag-slip lang sa mouth ko iyon. You should’ve not have known that,” sabi niya tapos umiwas ng tingin sa akin.
“Well, if I won’t get any answers from you, I’ll get answers directly from Kristoff,” sabi ko sa kanya tapos tumayo para pumasok sa loob ng ampunan. Buti na lang, nasa labas na sila Kristoff at Selene.
I know it’s embarrassing to make a scene in an orphanage pero I’ve experienced too much bullshits para palagpasin ko ito. I thought Kristoff was better! Turns out, douchier pa pala siya!
His eyes widened as he saw me coming near him.
“We need to talk,” I said with finality.
“Wait, what are you talking about? Who are you? I don’t know you!” he said. I covered my mouth. What the hell is he saying? Anong sinabi niyang hindi niya ako kilala?
“Miss, you must have mistaken me for some other person. Pero, as long as I can remember, I don’t know you,” sabi niya, causing me to slap him. Napa-sign of the cross naman si Sister Wena.
“Don’t you ever dare show your face to me! Baka manghiram ka pa ng mukha sa aso,” sabi ko sa kanya tapos umalis na.
“Cassandra, wait up!” I heard Jasper shout. Hindi ko siya pinansin. Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad. I don’t want to talk to anyone right now. Gusto kong mapag-isa.
“Cassandra, hintay lang! Ihahatid kita!” sabi niya sa akin. Hindi ko pa rin siya pinansin. Lakad lang ako ng lakad nang bigla niyang hatakin ako papalapit sa kanya.
“Ano ba?! Ayaw ko kayong kausapin ngayon, pwede ba?! Bitawan mo ako!” pasigaw kong sabi sa kanya. Nakita ko siyang natigilan pero hindi pa rin niya tinatanggal ang hawak niya sa akin.
“No, Cassandra. I won’t let you go again, never again. The last time I did that, it broke me,” sabi niya sa akin.
“Do you think it was only you? Ako rin, Jasper! Halos magpakamatay na ako noon. Hinintay kitang mag-explain kung bakit mo ako iniwan pero wala akong natanggap. Ni text or email, wala!” sabi ko sa kanya. It’s a good thing na konti lang ang tao sa paligid. Ayaw kong gumagawa ng eksena.
“I know that, Cassandra. Akala mo ba di ko alam? Lagi kong tinatanong sa katulong niyo kung kamusta ka na! Akala mo ba madali lang ang hindi ka puntahan sa bahay niyo at patahanin ka? God, I used up all my control just to be away from you dahil alam kong mapapahamak ka once na lumapit ako sa iyo,” sabi niya sa akin tapos niyakap niya ako nang mahigpit. Napahagulgol na ako.