Chapter 2

20 0 2
                                    


Avvy's POV

Buong klase ay nakayuko lang ako at walang pumasok sa utak ko sa mga tinuro ng mga teacher ko

Kailangan kong makaisip ng paraan!!!

Pero ano ngang paraan?

Nakakainis naman kasi eh! Mayabang naman talaga yung unggoy na yun eh

Hmm.. kailangan ko ng tulong Pero sino?

Nagising ako sa katotohanan ng mag bell na Hudyat na breaktime na

Dali dali kong kinuha yung bag ko at lumabas sa room namin Balak ko lang ngayong bumili ng pagkain sa cafeteria at sa library kumain Tahimik doon at siguradong makakapag concentrate ako

Umupo muna ako sa table dahil pinapaubos ko muna yung taong nakapili Nakakatamad tumayo ng matagal

"Avvy"nakita ko si Mitch na kasama si Jane at Pitch

Umupo sila kung saang table ako nakaupo katabi ko ngayon si Jane

"Hindi ka oorder?"tanong ni Pitch

"Bakit pa ko nandito kung hindi rin naman ako oorder ng kakainin ko"at dahil dun tinignan ako ng masama ni Pitch

Nagmamadali ako ngayong umisip ng paraan pero mukhang hindi nakikiayon yung panahon sa akin dahil padami ng padami yung nakapili imbes na umonti

"Hey may problema ka ba?"natauhan ako sa tanong ni Mitch

"H-ha? Wala ahh"pag de - deny ko

"Wehh? Yung totoo wala kang maitatago sa amin, sa akin"napabuntong hininga nalang ako

Kahit kailan talaga magaling kumilatis tong si Mitch kaya pag nagsisinungaling ako nalalaman nya agad

Well Siguro pwede ko namang sabihin sa kanila dahil kaibigan ko sila

"We're here to help you"nakangiting sabi ni Jane

Kaya ayun nagsimula na ako na mag kwento sa kanila Ang sarap pala sa feeling kapag mag kasama kang magslove ng mga problem ba kinakaharap mo sa buhay Narealize ko na hindi ko pala toh kayang lutasin ng mag isa

"Oh.My.God"sabi ni Mitch

"Padalos dalos ka kasi eh"pangaral pa ni Pitch

"Ano ng gagawin ko!!?? Baka bukas hindi na ako pumasok kasi wala na akong papasukan"huhuhu naiisip ko palang nanlulumo na ako sa mga sermon na ikakaharap ko mamaya? Or bukas Ay ewan ko!

"Dont Worry kagaya ng sinabi ko nandito kami para tulungan ka"gumaan naman ang pakiamdam ko sa sinabi ni Jane kahit papaano nabawasan yung kaba ko Nabawasan lang pero hindi nawala

Sa aming apat parang si Jane ang pinaka mature Sya ang tagabigay ng payo sa amin

Si Pitch naman ang laging nansesermon sa amin dinaig pa mga nanay namin

Si Mitch naman dahil may utak rin naman toh Sya lagi ang tagaplano

At ako? Ako ang taga gawa

"I have an idea guys"napatingin kaming lahat kay Mitch

"Kakausapin ko si Max tutal magkaklase naman kami"napangiti ako Sana maging succesful tong plano ni Mitch

"Thank you talaga guys ah Siguro kung wala kayo hanggang ngayon windang parin ako sa pag iisip ng paraan"napangiti naman sila sa sinabi ko"At sorry rin dahil First day palang gumawa na agad ako ng kabaliwan"

"Lesson Learned Wag padalos dalos sa pag sasalita kontrolin mo rin paminsan minsan yang bibig mo lalo na kung hindi mo kilala yung binabangga mo at hindi mo rin alam kung nakakasakit ka na ba ng tao dahil lang sa pinagsasasabi mo"pangaral ni Pitch

Status: Its ComplicatedWhere stories live. Discover now