FIBA World Cup. Spain April 2015
Kagabi, madilim. Galing sa panonood ng TV sa kapitbahay si Ping.
Lulugo-lugo itong naglalakad pauwi. Masyadong dinamdam ni Ping ang pagkatalo ng kanyang paboritong koponan.
Hindi pinalalagpas ni Ping ang mga "live" na laban ng Gilas lalo na ngayong nakapasok ito sa FIBA World Championship makalipas ang higit tatlumpo't limang taon.
Hindi mawala sa isipan ni Ping ang dumadagundong na sigawan ng mga Pinoy sa Stadium ng Seville... "Gilas, Gilas... Puso!" parang nasa tenga lang nya ang sigawan noong "first Quarter" ng labanan ng Puerto Rico at Gilas Pilipinas.
"hoy Ping! olats na naman ang mga idolo mo.. lika na sumama ka na lang sa aming inuman nanalo si Rico sa pustahan.." si Norman kaibigan ni Ping.
"kayo na lang maglilinis pa ako na kotse ni Mang Manny, sayang din bakante ako ngayon.." sagot naman ni Ping na hindi pinahalatang masama ang loob sa mga pumusta sa kalaban ng Gilas.
"Boom Panes! Wag ka nang magmaang-maangan, masama loob mo dahil talo ang Gilas, kilala ka namin Ping..!" sabay talikod ng grupo nina Norman.
Naiwang tulala si Ping na napahigpit ang hawak sa dalang lumang basahan. Naiiyak itong hinawakan ang dibdib at naupo sandali sa tindahang bakante-walang laman maliban sa nag-iisang poster ng Gilas na galing sa sikat na restaurant ng Max's.
Isa lamang si Ping sa milyong-milyong Pilipino na umasang mananalo ang koponan ng Gilas Pilipinas ngayong gabi. Pero sa pang-apat na pagkakataon muli na namang nabigo si Ping kasama ng halos isandaang milyong Pilipino sa iba't-ibang dako ng mundo.
"El Baloncesto ha!" sigaw ng isang matanda sa loob ng tindahan na matagal nang nakamasid kay Ping. "Ah Mang Manny, kanina pa po kayo?" si Ping.
"oo bata... kanina pa kita pinagmamasdan..."
"pasensya na po kayo nagpahinga lang po ako, papunta na po ako sa garahe..." singit ni Ping. "hayaan mo muna yun at malalim na ang gabi..." si Mang Manny. " pag-usapan natin yang nararamdaman mo..." dugtong pa nito.
"????" si Ping.
"Ilan na ba'ng talo ng Gilas?"
"apat na po eh... tanggal na po sila sa susunod na round"
"wala na pong pag-asa..." si Ping uli.
"Pag-asa?" malakas na ang salita ni Mang Manny... "apat pa lang ang talo natin Ping, marami pang talo ang makukuha ng Gilas, higit apatnapu pa sigurong mga talo bago natin makuha ang medalyang ginto sa FIBA world cup... pero ang pag-asa nandyan pa rin Ping hindi ito mawawala."
"marami pong nalungkot... milyon!" sambit ni Ping.
"pero mas marami ang natuwa Ping milyon-milyon" si Manny.
"nakabalik na tayo sa mundo ng Baloncesto...
"alam mo bang bago nagkaroon ng medalya sa FIBA ang sikat na koponan ng España eh inabot sila ng 56 na taon? Samantalang tayo nagkaroon na ng FIBA Bronze medal noong pang 1954 apat na taon lamang ang inabot simula ng matatag ang FIBA." pagmamayabang ni Mang Manny.
"Ganun po ba? Eh bakit?"
"Bakit?? ... Singit ni Mang Manny, " Pilipinas lang sa Asya ang merong medalya mula sa FIBA...hindi pa ito nakukuha ng Iran, China o ng south Korea, maging ng Japan.." mataas na ang boses ni Mang Manny.
"Tinalo po tayo ng Croatia, ng Greece, ng Argentina...tapos ngayon..." malungkot na pahayag ni Ping.
"Argentina ang unang kampeon ng FIBA world, nakakuha na ng silver at dalawang bronze ang Greece...ang Croatia nakuha ang Bronze sa loob ng halos 45 na taon. Pag-asa ang baon nila sa FIBA para makuha ito."
"Ibig mo bang sabihin Mang Manny na Pag-asa dapat ang dala natin at hindi Puso?" napatayo na si Ping.
"Maaari...hindi kasi dami ng talo ang basehan ng tagumpay Ping. Noong 1956 Olympic Games isa lang naman ang talo natin sa Basketball pero kahit bronze 'di natin nakuha. Ang tumalo pa eh ang powerhouse na United States... Pag-asa Ping, pag-asa" pahayag ng nalulungkot ring si mang Manny.
"Mang Manny..." si Ping..."sa tingin mo ba eh "Pag-asa" dapat ang pangalan ng koponang Pilipinas sa susunod na world cup?"
"???" si Mang Manny.
"?**!!!" si Ping.
" sige na Ping malalim na ang gabi... pag-iisipan ko ang iyong mungkahi..."
"salamat mang Manny bukas po aagahan ko na."
"Teka Mang Manny matagal na po ako naglilinis ng mga kotse ninyo pero di ko pa po alam apelyido nyo..."
"Pangilinan...Ping"
"???" si Ping.
"saan po ba susunod na FIBA world cup?"
"???.... sa Philippine Arena."
YOU ARE READING
El Baloncesto
Fiksi PenggemarIsinulat noong kapanahunan ng World Cup sa Spain. Ilang taon na ang lumipas subalit nananatiling bigo ang koponan ng Pilipinas na makuha ang tropeyong inaasam asam ng milyong-milyong Pilipino. Ipinapakita sa maikling kwentong ito ang kalagayan ng Ba...