CHAPTER 7 - The Monster's Cave

42 1 0
                                    

Autumn's POV

Nagiikot ako sa buong Campus. May hinahanap ako. Isang tao. Actually hindi ko din alam kung bakit ko siya hinahanap. Pero kanina pa ako palakad lakad at hindi ko parin siya makita hanggang ngayon. Masakit narin ang paa ko.

Nasaan kaya siya?

Nandito na ako sa tapat nang Main Office nang Campus. Ito nalang ang huling building na pwede kong paghanapan sa kanya.

Pumasok ako. Naglakad ako papunta sa mga pintuan na nakita ko. Pero bago ako makarating doon ay may nakita akong pintuan. Isang simple at maliit na pintuan. May nakasabit pang nakalagay na.

FOR AUTHORIZED HOTTEST PERSON ONLY.

Ahh .. lalagpasan ko na sana nang ... wait .. HOTTEST person??

Am I a Hottest person?

Of Course Not!! I am not a Hottest person.

Cause I am THE HOTTEST PERSON !!

Hindi na kailangan magpatumpik-tumpik pa noh. I am THE Hottest Person here!

At dahil confident naman ako na Hot ako ay pumasok ako sa pintuan na iyon. May nakita akong hagdan pababa. Madilim at mangilan ngilan lang ang ilaw sapat na para makita ang hagdan pababa.

Ano ba to? May multo ba dito? Bakit ganito ang itsura?

Wait? ganito yung napanood ko eh. Yung Horror movie. Yung The Conjuring! Yung may nag clap clap pa na bata. waaaaahhhh!!!

Binalot ako nang kaba. Tumindig din ang balahibo ko sa naisip at naalala ko ang eksena doon sa Movie na iyon.

Naalala ko yung nakalagay na sign sa pintuan. Hottest person . I-ibig bang sabihin m-mga Hottest person ang g-gustong b-biktimahin nung m-multo d-dito? OH MY!! napatakip ako nang bibig sa naisip at naimagine ko.

Pero dahil sa lintik na curiosity na bumabalot ngayon sa katawan ko ay hindi ako nagpatinag sa mga kababalaghan na pumapasok sa utak ko.

Dahil sa bawat Movie ay may bida. At sa Movie na ito AKO ang bida. Wala nang iba.

Bumaba ako. 10 .. 11 ... 12 .. or 15 steps. diko na alam basta nang naliko ang landas nang hagdan pakanan ay may nakita agad akong isa pang malaking pintuan.

Malaki ito at hindi tulad nang pintuan kanina na pinasukan ko. Isa itong Napakaganda at napakalaking  pintuan. Bahagy itong nakabukas. Para bang hindi sinasadyang nakabukas.

A double door. Sa itsura palang ay mapaghahalatang matibay at hindi pangkaraniwan ito. A classic wood and glass ang design nito.

At dahil ulit sa makulit kong curiosity binuksan ko ito. And there.

Awtomatikong nanlaki ang mga mata ko at napaawang ang bibig ko.

Wow as in WOW! Ang ganda ..

Napakalaki nang kwartong ito. At kumpleto sa mga modernong kagamitan.

White and black ang theme ng silid na ito. Napakalinis at mukhang wala kahit na alikabok. Malamig din sa buong paligid.

May mini bar sa bandang kaliwa. May billiard pool sa tabi nito.

Sa bandang malapit sa akin ay kitang-kita ang kumpletong set nang Entertainment appliances at ang modernong sofa set.

Sa bandang dulo ay ang kitchen. May isang malaking Round table doon. At in-fairness ha kumpleto ang kitchen appliances nila.

May nakita akong tatlong pintuan na siguro ay mga silid din. At ang restroom na Glass din ang door. Pumasok ako .

Nakita ko ang mini Gym nila , kumpleto ito sa mga kagamitang pang-exercise.

She's The Hottest TigressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon