CHAPTER 2 - Detention with HiM

88 4 0
                                    

Autumn's POV

Pagdating namin sa Cafeteria dumiretso agad ako sa counter mabuti nalang at wala nang gaanong studyante dahil tapos na ang lunch at ang iba ay may mga klase. I look at my wristwatch. 2:30pm na pla.

Sinimulan ko na ang paglilinis sa Cafeteria ...

Pero napansin kong nag-iisa lang akong nagtatrabaho.

"HOY MISTER!!!!! Ano sa tingin mo yang ginagawa mo????! " tawag ko sa kanya na ang sarap sarap nang upo dun habang hawak hawak yung PSP niya.

"Bulag kaba o sadyang tanga kalang talaga!??? anu paba ginagawa edi naglalaro!! tsss" pang aasar niya pang sabi sakin sabay balik nanaman nang tingin dun sa PSP niya AAAGGGHHHH!!! napipikon nako ha!!!

"Ay pasensya naman po Mister at naabala ko kayo .. sa pagkakaalam ko po kase ay kaya kaDIN narito ay para MAGLINIS at HINDI PARA MAGLARO " pangaasar ko naman na pinagdiinan pa ang huling mga salita ko .matauhan manlang ang bwisit tsk

"Tss it's Ok ..wag mo nalang ulit uulitin. "  parang wala lang na sabi niya na akala mo talagang nagkamali ako at siya ay boss ko. Aba't talaga makapal ang mukha nang asungot nato ah.

"Agh! bahala kananga dyan bwisit ka. Mahuli ka sana!" bulong kong sabi sabay balik sa ginagawa ko para matapos na ako agad at nang makauwi na.

Ipinagpatuloy ko ang paglilinis sa counter at sa kusina naman ay malapit ko nang matapos mabuti nalang at mababait ang mga nakasama ko dito sa Cafeteria maliban lang dun sa asungot na hanggang ngayon ay naglalaro pa rin ang tamad talaga. Porket ba sila may-ari nang school na to maghahari-harian na siya tss.

"Baka naman matunaw na si Ski Ineng .." biglang sabi sa akin ni Manang Seli ang Head Chef nila dito na bigla nalang sumulpot sa tabi ko at tinignan din ang lalaking tinitignan ko kanina. Tinititigan ko na pala siya hindi ko namalayan tsk.

"A-anung matunaw Manang . . kayo talaga puro kayo biro ha-ha" sabi ko sabay talikod kay Manang.

"Nakuuu mga bata nga naman ngayon.." narinig ko pang sabi niya bago ako tuluyang nakalabas nang kusina .. mabuti naman at natapos din ako.

"What are you doing Mr.Heist? Isn't you're in charge to clean this area?" dinig kong sabi nang nagrarounds para icheck kung ginagawa talaga namin ang trabaho namin.

At mukhang nahuli niya si asungot na naglalaro at hindi naglilinis kaya sermon ang bungad sa kanya nito.

"Tsss wala kang pakealam gagawin ko ang anumang gusto kong gawin ko! hindi moko pwedeng utus utusan lang"  sagot naman niya na hindi manlang natinag sa kinauupuan at hindi manlang natakot sa galit na nagbabadya sa harap niya.

"Hindi ganyan ang tamang pagsagot sa  Vice President ng Student Council Mr.Heist .. show some respect Charvyn Ski" pigil ang galit ngunit may diin na sabi nang lalaking nagrarounds.

"At ano naman ang dapat kong isagot kagalang galang na Lawrence???? or Mr.Vice President??? ikaw anung karapatan mong pagsabihan ako nang mga dapat kong gawin?"  sagot naman ni asungot sabay tayo at aalis na sana.

"Anung nangyayari dito Lawrence ? Ski hindi ba dapat ay naglilinis ka dito sa Cafeteria ? bakit parang walang nangyayari? Gusto mo bang ireport ko ito sa papa mo ha Mr.Heist? " bigla namang sulpot nang nung estudyante kanina .. sa pagkakatanda ko siya ang President ng Student Council.

At sa narinig ay parang natauhan naman bigla si asungot at agad na tumayo "Sa-Sabi ko nga maglilinis na eto naman oh hindi na mabiro namamahinga lang naman ako ehh .. tssss" sabi pa niya sabay kuha nang walis at nagsimula nang maglinis Hahahaha natatakot din pala ang loko at saan siya takot? sa papa niya? hahahaha

She's The Hottest TigressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon