Meet The Client

175 4 1
                                    

Chapter 2

Shinji Minamoto's POV

"So dude a attend ka next month for the homecoming?" Tanong ko sa kaibigan na si Marcus.

Andito ako ngayon sa opisina niya sa EDL Tower. Naabutan ko siyang nakaharap sa laptop,as usual business na naman. Hinde ata nag papahinga ang isang 'to kaya dapat talaga madala namin si Marcus sa homecoming para reunion na din naming magbabarkada.

" You know uuwi sila Raizel at ang dalawang kolokoy kaya kompleto tayo if ever na pumayag kang dumalo." Dagdag na sabi ko sa kanya para makumbinsi siyang pumunta.

"I'll try Shin." Sagot niya sa akin na busy sa pagtipa nung kung ano sa laptop niya.

"Tsk! Alam ko yang try na sinasabi mo Marcus, hinde ka nanaman sisipot, minsan naisip namin ayaw muna ata kaming makasama kasi kung hinde ka pa namin sasadyain sa lungga mo sa ibang bansa or makipag set ng schedule sa sekretarya mo hinde ka namin makakasama." Pangungunsensiya ko sa kanya."

Totoo naman. Kung hinde pa kami mismong mga kaibigan niya pumunta sa kanya walang bonding na magaganap.

Naalala ko last year birthday ni L at gusto niya na magkakasama kaming anim na magbabarkada mag celebrate ng twenty fift birthday niya sa Vegas kaya pinuntahan namin si Marcus sa France para kami mismo magbitbit sa kanya sa Vegas.

Kaya ayon kompleto kami nung birthday ni L at that was the last time na din na nagkaka bonding kaming anim.

Busy kasi kaming lahat sa mga kanya kanyang career sa buhay dahil tulad ni Marcus may responsibilidad din kami sa mga pamilya namin.

Kaya naiintindihan naman namin si Marcus kung bakit hinde namin siya nakakasama palagi kasi una, nasa Europe ang business nila malayo dito sa Pilipinas. Pangalawa, hinde birong responsibilidad ang naka atang sa kanya bilang isang De Luca. Siya lang kasi ang nag iisang tagapagmana ng dalawang angkan sa mother at father side niya kaya hinde siya pwedeng magpaka relax relax lang. Pero tao din naman siya, he badly needs a breather away from this stressful environment.

And this homecoming is a perfect escape para makapag relax naman siya kahit konti.

"I will find you a blonde date." Naka ngising sabi ko sa kanya. Nag iisip na ako kung sino sa mga kakilala kung blondes ang papasa sa standard ni Marcus.

"I can find my own date Minamoto so stop." Sagot niya sabay tingin ng masama sa akin.

Patay! Sa isip isip ko, naiirita na ang isang ito sa kadaldalan ko.

"Chill dude, I know you can find your own date." I was smirking when I said that.

"I've heard Tito Cloud's company wants you to finance their multi billion projects?" Pang iiba ko ng usapan.

Tito Cloud was the husband of Tita Marj na kababata ng mga mommy naming anim.

Yes,magkababata ang mga nanay naming anim at believe it or not sabay sabay silang nag buntis sa amin. May anak din sila Tita Marj at Tito Cloud, si Kelly friend din namin sa abroad ng aaral.

" Yes, at may proposal presentation sila today." Sabi ni Marcus sabay patay sa laptop niya.

" Kailangan pa ng presentation?" For sure aaprubahan mo din naman yun diba? Tanong ko sa kanya.

"What?" You think I can just sign and agreed to their proposals without their presentation just because I know Tito Cloud? Tila naiiritang sabi niya.

" Its not w--- naputol ang sasabihin ko sa kanya ng tumunog ang intercom sa table niya.

"Yes?" Pagalit na sagot ni Marcus.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 10, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ETTORETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon