♡ My Crush Life ♡

2.4K 58 3
                                    

My Crush Life

Ako si Paula.. maganda't matalino at matalino't maganda ako! XD

'Wag na kayong magtanong ng iba pa tungkol sa akin. Dahil iyan lang ang alam kong angkop na description para sa sarili ko.

At totoong maganda't matalino ako. Walang halong biro, promise!

Ang crush ng buhay ko ay si Paulo.

O, 'di ba? Pangalan pa lang namin, bagay na bagay na! Pero mga pangalan lang namin ang bagay at hindi kami. Dahil tao kami!

Araw-araw ko siyang nakikita at araw-araw niya din akong nakikita at binibigyan ng pamatay niyang ngiti.

Pamatay talaga ang ngiti niya, promise! Ilang beses na nga akong namatay dahil sa ngiti niya, eh. Pero dahil hindi pa kami nagkakatuluyan, nabubuhay ulit ako. XD

 

Hay.. bakit naman kasi may girlfriend si crush life ko? T___T Kung wala lang sana.. edi, ako na sana ang nanligaw sa kanya! Hinatid-sundo ko na siya araw-araw. Bibigyan ko din siya ng roses and chocolates palagi. Maging akin lang siya!

Kahit magmukha akong lalaki sa paningin ng iba. Ang mahalaga may nagagawa ako para sa crush life ko.

Paulo.. ako na lang please. T___T Makapag-break ka na sa girlfriend mong ulikba! Mas bagay ang mga pangalan natin!

Aish! Tama na nga!

Nasisira na ang beauty ko at masisira na din ang grades ko dahil male-late na ako! Alam ko namang magiging akin din si Paulo sa huli, eh. Ako kaya ang bida dito!

Kinuha ko na ang mga gamit ko na nakapatong sa table na nasa harap ko. Then, umalis na ako sa study area.

Masisira na ang grade life ko pero dadaan pa din ako sa HRM building. Nandoon kasi si crush life. Obviously, kaya siya nasa HRM building, dahil isa siyang HRM student. Alangan maging engineering student siya? XD

Nang makarating ako sa hallway ng building nila, binagalan ko ang paglalakad. Baka kasi nasa tabi-tabi lang siya o kaya naman ay baka makasalubong ko siya. Gusto kong maging slow motion ang lahat kapag nakikita ko siya, eh. Para matagal-tagal kong siyang masilayan. Ahihihi!

Ang alam ko, room 103 ang classroom niya ngayon. Kaya pagtapat ko sa room na iyon, sumilip pa ako ng kaunti. Pero nagulat ako nang bigla na lang bumukas ang pinto.

>___< Shoot! >___<

Lumabas ang professor nila!

Akala niyo si crush life ang lumabas, 'no? Siya din sana 'yong gusto kong makitang lumabas. Kaso professor, eh. 'Yaan na natin. Masyado tayong excited na makita si crush life. Ako lang pala, dinamay ko pa kayo. XD

Buti na lang kilala ko at kilala ako ng professor nila ngayon. Si Miss Heidie.

♡ One Shot Stories ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon