♡ May Nagpapabigay ♡

2K 48 3
                                    

♡ May Nagpapabigay 

“MAY NAGPAPABIGAY.” Iniabot sa kanya ng isang lalaki ang isang kahon na hugis puso.

Tumingin naman siya dito na bakas sa mukha ang pagtataka. Una, hindi niya ito kilala. Pangalawa, sino naman kaya ang nagpapabigay ng kahong iniaabot nito sa kaniya? Pangatlo, bakit hindi ang nagpapabigay mismo ang nagbibigay sa kanya? At pang-apat, bakit pumayag itong lalaking nasa harapan niya na utus-utusan na lang ng kunsino?

Lumipat ang tingin niya sa nakaumang pa ding kahon sa harap niya na hindi pa din niya inaabot at muling umangat ang tingin niya sa mukha ng binata.

Sayang… gwapo pa naman sana. 'Kaso utusan lang, aniya sa sarili.

“Sino’ng nagpapabigay?” tanong niya nang abutin na ang hugis pusong kahon.

Ngumiti ito sa kanya. “Basta… sige, una na ako.”

Bago pa man niya ito mapigilan ay mabilis na itong naglakad palayo. Sinundan niya na lamang ito ng tingin hanggang sa lumiko ito sa dulo ng hallway at nawala sa kanyang paningin.

Napatingin ulit siya sa kahon. Napansin niya kaagad ang initials na nakasulat sa bandang itaas niyon.

A.S.

Agad siyang nag-isip ng pangalan na may initials na A at S pero wala siyang maisip. Siguro ay hindi niya din kilala kung sino ang nagpapabigay kaya naman hindi na niya inisip pa kung sino ang secret admirer niya. Lalo pa ngayong a uno na ng Pebrero ay magpaparamdam na talaga ang mga ito at dadagsa na naman ang magbibigay sa kanya ng mga regalo hanggang sa araw ng mag puso.

Hindi na din naman bago sa kanya ang pagkakaroon ng secret admirer dahil marami siya niyon. Hindi naman sa sobrang ganda niya, pero maraming nagsasabi na malakas daw talaga ang kanyang appeal.

Napapakibit-balikat na lang siyang nagpatuloy sa paglalakad patungo sa susudnod niyang klase. Habang iniisip ang lalaking nag-abot sa kanya ng regalo at hindi ang lalaking nagpabigay mismo niyon.

NANG SUMUNOD na mga araw ay palagi na siyang inaabangan sa kung saan-saang sulok ng campus ng lalaking nag-abot sa kanya ng kahon na hugis puso. Bawat araw ay iba-iba ang iniaabot nito at ang ipinagtataka niya ay parang alam ng nagpapabigay ng mga regalo ang mga gusto niya. Pulos mga paboritong bagay niya ang laman ng mga kahong puso. Parang nag-effort pa talaga ito na sumagap ng mga impormasyon tungkol sa mga bagay na gusto niya.

“Andrea…”

Lumingon siya sa pamilyar na tinig na tumawag sa pangalan niya at nakita niya na naman ang lalaking napag-utusang magbigay sa kanya ng regalo na hindi pa din niya alam ang pangalan hanggang ngayon.

Lumapit ito sa kanya at paglapit na paglapit nito ay pinamaywangan niya na ito at tinaasan pa ng kilay.

“Ano? May nagpapabigay na naman?” pagtataray niya pa.

Ngumiti lang ito sa kanya at iniabot ang isa na namang kahon na hugis puso bilang sagot.

She rolled her eyes habang tinatanggap ang kahon. At aalis na sana kaagad ang lalaki nang pigilan niya ito.

“Hep!” Humarang siya sa harap nito. “Teka nga… palagi mo na lang akong iniiwan kaagad without saying anything, eh.”

Napakamot ang binata sa ulo and he smiled at her awkwardly. She again rolled her eyes. Alam niya kasing ito ang tipo ng utusan na hindi mapapaamin kung sino ang amo nito. Kumbaga sa kriminal, loyal ito sa amo na may kapangyarihan. Pero kung takot ito amo nito, mas dapat itong matakot sa kanya dahil baka mapukpok niya ito ng pusong kahon na hawak niya kapag hindi pa din ito umamin kung sino ang nagpapabigay ng mga regalo sa kanya.

♡ One Shot Stories ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon