Kriz POV
Hi!I'm Krizzia Marie L. Hortivilla.17 years old.
"Anak!Pakitawag si Dani!Kakain na!"Yan?Mommy ko yan. Si Mommy Kristine.
"Opo!"Tss....ako yan!Umakyat na ako sa taas,alangan naman sa baba diba?Tss.Para tawagin yung pinsan kong si Dani.Kung nagtataka kayo kung bakit siya nandito,tanungin niyo siya sa POV niya.Syempre kumatok ako baka kung ano pa yung makita ko eh.
Tok-Tok
Bumukas yung pinto.
"Oh Kriz,anong kailangan mo?"Dani.
"Dani kakain na daw sabi ni Mom."
"Sige"Tapos lumabas na siya at isinara yung pinto.
"Ahh Kriz,pwede ko bang madala dito yung mga tropa ko?"Tanong ni Dani.
"Aba ewan ko,ako ba may-ari ng bahay?Edi tanungin mo si mom."Tama naman ako diba?Malay ko ba,baka di pwede diba?Tss.
"Tinatanong ng maayos eh."Di nalang ako nagsalita baka mamaya gulpihin ako nito eh.May topak kasi.
"Halina kayo!Lalamig na yung pagkain!"
"Eto na po!"
Hapag-kainan
"Uhm tita,pwede po bang dito kami mag-practice ng sayaw ng mga tropa ko?"Sabi ni Dani.
"Oo naman,pero teka...sayaw?Bakit kayo sasayaw?"
"Ahh kasi po kasali ako sa dance troupe.Mastermind Dance Troupe po,kailangan po namin mag-practice para sa Accuaintance Party,may intermission number po kasi kami."
"Pfft!Mastermind?!Tsk!Ang korni ng pangalan niyo!Bwahahaha!"Ako yan bwahahaha!
"Krizzia!"Pagsaway ni mom saken.
"Oh sige,pero kailan ba Accuaintance niyo?"
"Ahh next Monday pa naman po"sagot ni Dani.Pansin ko lang kanina pa si Dani Ahh ng Ahh.
Sabado pala ngayon.Pagkatapos kumain nag-toothbrush muna ako at kinuha yung gitara sa kwarto at pumunta sa sala at nagsimulang mag-strum.
"Ahh Kriz,alis nako susunduin ko pa mga tropa ko!"
"Geh!"Tapos nag-strum na ulit ako at sinabayan ko pa ng kanta.Tsk!Galing ko talaga!^ ^,v
"Heto na naman ako,nag-aabang ng bago sa istorya ko.Paulit-ulit nalang.
Heto na naman ako tinitignan sa'n nagkamali ang puso ko.Parang walang katapusan...walang katapusan""Anak!Shopping tayo,bibilhan kita ng dress pang-Accuaintance!"Mom.
"Mom,alam mo namang ayaw ko ng dress eh!"
"Oh sige na nga!Pasalamat ka't mahal kita!Kung buhay pa yung daddy mo,paniguradong magagalit yun!Yang pagiging tomboy mo lilipas din yan!Sigurado akong babalik ka sa dati 'pag nahanap mo na yung the one mo!Hahahah!"Pangaral ni mommy.Sige tawa pa!Tsk!Ang drama!Oo patay na yung daddy ko dahil sa car accident when I was 8 years old.
"Anak,ako nalang ang mag-shoshopping at sasamahan din ako ni yaya Telma mang-gogroceries kami,may ipapabili ka?"Tanong ni mom.
"Ahh mom pakibili nalang ng checkerd na longsleeves."
"Bakit anong gagawin mo dun?Ang dami mo nang ganun ah?"
"Susuotin ko po sa Accuaintance,magpeperform din po ako.Mag-gigitara at kakanta po ako"Ako.
"Ahh basta bilhan niyo nalang po ako."dagdag ko pa."Wow talaga anak?!Oh sige sige,magbibihis na ako."
"Sige po"Umakyat na si mom at pagkatapos niyang magbihis ay umalis na rin sila ni yaya.
Nagpatuloy na ako sa paggigitara.
"Paano bang magmahal,palagi bang nasasaktan...
Umiiyak na lang palagi,gusto ko nang lumisan...
Paano bang magmahal,kailangan bang nasasaktan...
Lagi nalang di maaari,ngunit ayaw lumi---""Hi insan!Mga ka-tropa ko nga pala."Tsk!Ano ba yan nagmomoment pa ako eh!Andun na yun eh!Andun na sinira pa!
Tinuro niya yung mga lalaking nasa likuran niya."Magpakilala na kayo"Sabi ni Dani.
"Hi,I'm Kurt"Sabi nung singkit yung mata,tinanguan ko lang siya.
"I'm Renz but you can call me Ar-ar."Sabi nung matangkad,siya yata yung pinakamatangkad sa kanilang lahat.
"I'm Jaze"Sabay irap.Suplado.Tss.
"Hi Ms. Beautiful,I'm Wayne ang pinakagwapo sa gru---"
Pak
"Aray!Ba't niyo 'ko binatukan?!"
"Pinakagwapo?!Nagpapatawa ka ba?!"Sigaw ni Dani at nagtawanan na sila.Tsk!Woi!Nandito ako!
"Kriz,pinsan ni Dani"Walang gana kong sabi.
"Ms. Beautiful,may boyfriend ka na ba?"Tanong ni 'Wayne'.
"Boyfriend?!"Sabi este Sigaw ni Dani sabay akbay sakin.
"Eto may boyfriend?Eh tomboy to eh!"Dagdag ni Dani sabay hagalpak ng tawa.
"Sige tawa pa"bulong ko sa kanya.Edi natahimik din.Tss.
"Tomboy ka?!"Sabay-sabay nilang sabi.Anong masama dun?Tsk!
"Oo,Masama?!"
"Hindi naman,pero kasi ang ganda mo tapos tomboy ka pala?Sayang"sabi ni Wayne.
"Woi,ano yan?Wag mo sabihing may gusto ka dito?"sabi ni Dani sabay turo sa akin.Sa ganda ko ba namang 'to?Sinong di magkaka-gusto?Tsk!Kidding.
"H-ha?W-wala no!"
"Tara,practice na tayo"parang TANGANG sabi ni Jaze.Bored expression lang yung makikita mo sa mukha niya.Tss.Hindi ko alam kung bakit inis na inis ako sa kanya!Siguro dahil ang sungit niya ayaw ko ng may mas masungit pa kesa sakin.BAKLA siguro....pakialam ko ba?Tss.
Nagsimula na silang mag-practice.Ako naman umakyat na rin para maggitara.Maya-maya pa habang nag-papractice ako biglang may kumatok sa kwarto ko.
"Uhm insan,hatid ko muna tropa ko."
"Tapos na kayo?"Grabe ambilis ah,ano lang ginawa nila dun?
"Ahh oo,bukas naman yung iba kasi may pupuntahan pa yung isa kong tropa kaya mabilis lang kami."
"Geh,teka sasama na rin ako sayo pababa."
"Oh sa'n ka naman pupunta?"
"Sa studio ko"simpleng sagot ko.
"Wow!Maka-studio naman to"
"Tama naman ah.Tsk!"May isang kwarto kasi dito sa bahay namin na may drums,piano at gitara,ako talaga nagpalagay nun.Wala lang pabida lang,bakit ba?Angal ka?
Bumaba na kami.
"Paalam Ms. Beautiful!"
"Bye"sabi ni 'Ar-ar'.
"Bye Gorgeous!"AMPANGIT PAKINGGAN!Ba't ganyan tawag nila sakin?
"Bye"sabi nung demonyo.Bwahahahha!
"Geh bye"At umalis na sila kasama ang pinsan ko at ako naman ay pumunta na sa studio ko.