Lunes na naman ngayon. And as usual may pasok na naman!
"Kriz! Baba na kakain na! Baka malate pa kayo nitong pinsan mo!"Narinig kong sigaw ni mommy habang kumakatok sa harap ng kwarto ko.
"Opo! Bababa na!"-Sagot ko naman. After doing all my morning rituals ay bumaba na ako.
" Hi miss Beautiful! / Hi Gorgeous!"
" Ay Tipaklong!"Gulat na sigaw ko. Pano ba naman bigla nalang susulpot na parang kabute tong dalawang to! Sino? Siyempre sina Wayne at Ar-ar!
"A-ano ba?! Ba't ba kayo nanggugulat?! Atsaka may pangalan ako wag niyo akong tawaging ganyan ang pangit pakinggan!"sabi ko habang inaayos yung sumbrero ko, yun bang yung bisor ay nasa likod. Kuha niyo? Ah basta ganun yun.
" Ay sorry. Bakit ba ayaw mo maganda naman ah. Atsaka bagay sayo"Sabi ni Ar-ar. Anong maganda dun? Ang pangit kaya.
"Tss. Ewan sayo" Sabi ko bago sila tinalikuran at pumunta sa hapag-kainan.
Habang kumakain biglang tumikhim si mommy bago nagsalita.
" Ah Krizzia"Panimula niya.
" Po?" Tanong ko naman
" Ayos na ba yung performance mo? Kailangan maganda ha?" Paalala niya.
" Ah opo, ayos na po. Nakapag- practice narin po ako"
"Teka po. Para saan naman po?" Biglang sabat ni Dani. Psh! Pakialamero. Ang sama ko ba? Ayos lang yan. Hakhak!
"Mag-peperform kasi si Krizzia sa Aquaintance niyo! Pupunta pala ako dun anak ha? Vivideohan kita para remembrance"She chuckled. Tss. Mommy ko ba talaga to? Ba't parang mas bata pa siya sakin kung gumalaw?
Teka? Vivideohan niya ako? No way! Ayaw kong vinivideohan ako! Baka magkamali pa ako tapos nakita sa video edi nakakahiya yun! Okay na yung nakita nila akong nagperform at nagkamali once! Hehe.
Agad akong umiling.
" Ah wag na po. Si Dani nalang po yung mag-vivideo sakin. Baka po marami pa po kayong gagawin." Pagpapalusot ko.
Napatingin ako kay Dani nang kalabitin niya ako. Nakatingin siya sakin ng may 'WHAT-THE-HELL-ARE-YOU-SAYING-LOOK' binigyan ko naman siya ng may 'SIGE-NA -PLEASE-LOOK' with matching puppy eyes pa. Gumana ka! Gumana ka!
Napabuntong hininga siya at napakamot sa kanyang ulo. Ha! I did it! Great job Krizzia! Great job.
"Ah sige po ako nalang po tita" Pagasuko ni Dani. Yahooo! Napangiti nalang ako.
I looked at him and give my sweetest smile. He just rolled his eyes! Psh! Suplado!
Pagkatapos nun pumasok na kami sa school and kasama yung tropa ni Dani. Ginamit ko yung pinakamamahal kong motor habang sila naman yung mga kanya- kanya nilang sasakyan.
Pagdating sa school tilian agad ng mga babae naming schoolmates ang narinig namin sa parking lot palang. Psh! Ganyan ba kami ka gwapo? Hakhak. May iba pa ngang tinitignan ako ng masama. Problema nitong mga to? Di ko nalang sila pinansin.
" Andyan na sila!!"
" Give 'em way!... Give 'em way!"
" OMG! Bakit kasama nila yan?!"
Illan lang yan sa mga sigaw nila. Pero ang sarap ilunod sa sabaw yung huling sumigaw! Sinisira yung magandang mood ko eh! Grrr!
Tiningnan ko siya nang masama atsaka nginisihan. Nang-aasar.