Kriz' POV
Pagdating sa bahay agad kong inaway si Dani. Nakakainis na talaga! Sa dinami-dami ba naman ng mga babae sa classroom ako pa yung nakita niya! Amp! Arrrgh!
Nang marinig ni mommy yung bangayan namin agad siyang lumabas mula sa kusina.
"Oh? Bakit kayo nag-aaway?"- Agad na tanong niya.
" Eh kasi naman mommy!! Si Dani! Binoto ako bilang representative ng section namin sa Mr. and Ms. Accuaintance!!" - Sabi ko habang nakabusangot yung pagmumukha ko. Bigla namang nagliwanag yung mukha niya. What the! Sabi ko na nga ba eh! Pinag-sisisihan ko talaga na sinabi ko pa sa kanya.
"Jinjja?! Waaaaaa~ naku anak 'lika magpapasalon tayo! Tapos kukuhanan kita ng magaling na trainor!" - Excited na sabi ni mommy. Nakakainis! Nakakainis! Nakakainis talaga!!! Arrrrghh!!! Yung mga katropa naman ni Dani nagbubungis-ngisan dahil sa naging reaction ni mommy. Yup tama yung narinig-- este nabasa niyo nandito parin yung mga katropa ni Dani.
Tss. Di nga sila mapaghiwalay. Eh kung dito nalang kaya sila tumira? Para di na sila magsayang nga oras papunta dito? Amp!
"Mommy naman! Ah bahala nga kayo!!" - Sabi ko at padabog na kinuha yung bag ko at umakyat papuntang kwarto ko. Nakakainis! Kala ko pa naman kakampihan ako ni mommy kasi alam niyang ayaw kong sumali sa mga ganyan. Ni di pa nga ako nakakasali! Mapapahiya lang yung section namin! Di pa naman ako marunong sa mga ganyan! Aish! Malaking problema talaga to!
Dani's POV
Tinignan lang namin si Kriz na padabog na umaakyat sa taas. Nang di na namin siya ma kita, binalingan ko ng tingin si tita Kristinr na grabe padin yung ngiti hanggang ngayon. Galing ko talaga!
"Grabe salamat Dani ha? Naku! Kukuha na talaga ako ng trainor niya. Alam niyo naman yun diba? Di yun maruning maglakad na parang model. Tsk! Di pa kasi siya nakakasali sa mga ganun. Matagalang pagpapractice to hahahaha. Oh siya alis muna ako baka masunog yung niluto ko. Atsaka pasensya na kayo sa inasal ko ah. Excited lang talaga ako, first time niya sumali sa mga ganito eh ahehehe. Sige maiwan ko muna kayo."-Mahabang sabi ni tita.
" Sige po tita"- Sabay-sabay naming sabi.
Pagka-alis ni tita nag-usap-usap naman kami nang mga kabarkada ko.
"Grabe yung reaction ni tita no?"- Natatawang sabi ni Wayne.
" Siyempre first time sumali ni Kriz sa mga ganun. Natural lang na maging ganun yung reaction ni tita" - Sabi ko naman.
"Oo nga ano bang sabi ko?"
"Tanga, wala ka kasing common sense!"- Pangungutya sa kanya ni Kurt. Hahahaha
" Ouch! Grabe ka naman! Nananakit ka ng feelings eh! Kaibigan ba talaga kita? "- Sabi ni Wayne at umakto pang parang nasaktan.
" Gag*! Drama mo!"- Natatawang sabi ko sa kanya. Napatawa naman yung iba.
"Pero naman kaya ang magiging itsura ni Kriz kung lalagyan nga make-up?"- Sabi ni Ar-ar. Feeling ko talaga may gusto itong ugok na to sa pinsan ko eh.
Patay kang bata ka! Tinamaan na siguro to! Naku naman oh! Di ka sasaluhin nung pinsan ko panigurado. Eh nangako yun sa sarili niya na di na siya maiinlove ulit pagkatapos nung pangyayari na yun.
" Guys may ground battle daw tayo mamayang 8pm"- Biglang sabat ni Kurt. Aish! Nanaman?! Nakakatamad!
"Uy dito nalang kayo magdinner mamaya"- Pag-aaya ko sa kanila.
" Uy sige ba! Gusto mo ngayon na eh!"- bigalang sabat ni Wayne. Tss. Palagi talagan gutom tong mokong na to. Parang walang kabusugan eh.
Kriz' POV
Nakakainis! Di talaga ako maka get-over eh!