Smile
"Babe, smile!"
Nakangiti siya habang sinasabi ito at ako ay nakasandal sa balikat niya. Ang tamlay kong tignan. Kung alam ko lang na agad siyang babawiin sa akin, sana pala hindi ko hinayaang may dull moment kami.
"Aw, someone's not feeling good. But just one smile for me please," he pleaded. Hindi ko siya matanggihan kaya ngumiti ako.
Hinawakan niya ang dibdib niya. "Oh babe, your simple smile can make my heart flutter."
Hinampas ko siya sa braso at nadala na rin ako sa siglang meron siya. He is my happy pill.
"Better. Babe, I love you when you are mad or sad but I love your smile more."
I hugged him.
We both smiled and the video ended.
He loved documenting our everyday. And I am so thankful. Marami akong memoryang maaring balikan ngayon.
Nanood ako ng isang video clip bago ako umalis. Para hindi ko siya makalimutan. Wala akong balak na kalimutan siya. At kahit sa mga video lang, nararamdaman kong kasama ko siya.
He never wanted to be a business man gaya ng gusto ng Dad niya. Noon pa, may passion na siya sa pagsusulat, pagkuha ng videos, photography, sketching, art in general. Ayaw niya lang ipilit ang gusto niya dahil ayaw niyang maipit ang Mama niya sa kanilang dalawa ng Dad niya.
Minsan naiisip ko, kung alam ba ni Tito Alfred na maagang kukunin sa kanya ang anak niya, hinayaan niya kaya si Kenan na kunin ang gusto niyang kurso?
May saysay pa ba kung iisipin ko lahat 'to? Isang taon na ang lumipas at ganito pa rin ang ginagawa ko. Araw-araw, iniisip ko siya. Hindi siya nawaglit sa isip ko kahit isang araw.
Dumiretso ako sa banyo at naligo. Habang bumubuhos ang mga patak ng tubig, iniisip ko kung ano na naman ang mangyayari sa akin sa araw na 'to. I always think, lahat iniisip ko at hindi isinasatinig. Kanino ko naman sasabihin?
Nagluto ako ng almusal at kumain mag-isa. Sobrang lungkot ng condo ko.
4-seater nga ang dining table, mag-isa naman akong kumakain.
Ultimo pagpatak ng tubig sa sink, maririnig dahil sa sobrang tahimik. Sinuggest ni Tita Mina na bumili raw ako ng pet na aalagaan, pero ayoko na. Baka mapabayaan ko lang o baka mamatay na naman. Pakiramdam ko kasi, lahat ng minamahal ko, binabawi sa akin.
Nagbihis lang ako ng usual na damit na pangtrabaho. Puting long sleeves, itim na pencil skirt, peep-toe heels tapos iyong ID ko. Wala namang bago sa ginagawa ko araw-araw.
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Hindi naman ako nag-abalang mag-ayos. Wala namang rason.
"Babe, it's best to wear a smile. Kaya dapat nakngiti ka lagi."
Pasensya na, Kenan. Hindi ko talaga kaya.
Ni-lock ko ang unit ko bago ako lumabas. Sumakay ako ng taxi, mabuti na lang hindi pa rush hour. Kinse minutos halos ang byahe papuntang office.
Narating ko na rin sa wakas ang pinakataas na floor. Isang buong floor ang opisina ng boss ko, si Madame Maya de Agustin. Graduate ako ng accountancy at nakuha ako sa kompanyang ito. Kaya lang ay napaginitan ako ng head ng department, he wished me fired. Naawa yata si Madame Maya kaya kinuha niya akong sekretarya/assistant na pareho pa rin ang sweldo. Ayoko namang maghanap ng ibang trabaho kaya tinanggap ko na lang.
Binati ako ni Helga, iyong janitress dito. "Ngiti naman dyan!"
Tinignan ko lang siya.
"Kung ganyan ako kaganda, nakangiti ako araw-araw. Matutuwa talaga ako kapag napangiti kita." Wika niya.
YOU ARE READING
Lifeless
RomanceA car accident ruined Fyanna's life. She lives, but lives as if she is lifeless. She lost the love of her life, the main reason why she goes on with life. Her emotions have gone and all that she's left with is pain. How can Fyanna go back to her old...