Bump
Kinukusot pa ang mga mata, bumangon ako. Kailangan kong bilisan. Wala na akong time para isipin kung bakit nagising na naman ako. Maaga akong pinapupunta ni Madame ngayon. Nagtataka rin ako kung bakit pero hindi na lang ako magtatanong. Malalaman ko rin naman siguro.
Sa kakamadali, napaso na ako sa kawali habang nagluluto.
"Ouch!"
It's a really bad idea to cook when you are in a hurry. At least alam ko naman na nakakaramdam pa pala ako. Nag-toothbrush ako ulit pagktapos kong maghugas ng pinagkainan at nagmadaling magbihis.
My heels don't look like they'll survive a day pero ayos lang. Meron naman akong extra pair sa desk ko.
Pasakay na ako ng taxi pero inunahan ako nung lalaking mukhang malilate na rin sa trabaho. Gusto kong sumigaw na maliliate na rin ako but I don't really shout.
Pinara ko agad ang taxi na nahagip ng mga mata ko. Mabuti nalang magaling lumusot sa traffic si manong.
Papasok na ako sa building nang maramdaman kong matutumba ako. At nakita ko, bumuka pala sa harap iyong sapatos ako at sumabit sa malaking carpet sa tapat ng elevator.
Nagsumikap akong tumayo para makarating na sa floor ni Madame. Kung tutuusin, hindi naman ako late pero maaga kasi akong pinapupunta.
Muntik na akong maubusan ng pasensya sa tagal ng elevator. Pagbukas, nakipagsiksikan talaga ako. Huli rin akong bumaba.
Ayoko talaga nito, iyong parang may humahabol sa'yo?
Kakamadali, may nabanga pa akong lalaki. Tinulungan niya akong magpulot ng gamit.
"Sorry po, nagmamadali kasi ako."
Mabilis akong tumungo sa desk ko at nilapag ang mga gamit ko. Nagsuklay ako ng konti para mukha naman akong disente.
Taas-noo si Madame de Agustin habang naglalakad pero ngumingiti naman sa mga nakaksalubong.
"Good morning, Ms. Nicotra. I am glad you are early."
Kinakabahan akong sumagot. "Good morning, Madame." Kung alam niyo lang po.
"Kapag may naghanap sa akin, pakisabi na lang ayaw kong magpa-istorbo. Through intercom ko na lang sasabihin kung may kailangan ako, okay?"
Tumango ako. "Copied, Madame."
"Siya nga pala? What is in my schedule this afternoon?" She asked.
Binuklat ko ng mabilis iyong notebook kung saan ko isinusulat ang mga schedule ni Madame.
"Mamayang 1:30 PM po, may scheduled meeting po kayo kay Mr. Feliciano, 4 PM you have an early dinner with Mrs. Silvia Tiongson."
"Okay, don't accept anymore appointments. And please notify Mr. Feliciano to be on time because we need to finish the meeting by 2."
Tinandaan kong mabuti ang mga sinasabi ni Madame. "Okay po. I'll do that immediately."
"Alright." aniya at pumasok na sa opisina dala ang kanyang mamahaling bag. Hinahangaan ko siya, she's a very classy woman and elegant too.
Gaya ng sabi ni Madame, ni-notify ko si Mr. Feliciano tungkol sa meeting nila. He promised he'll be early.
Pinuntahan ako ni Sandy sa desk ko para lang sabihin na sabay daw kaming kumain ng lunch. Ayos naman sa akin 'yon at sinabi kong ako na muna ang taya.
Habang hinihintay ko si Madame, sinort ko na iyong files ng mga applicants na pumasa sa second interview para isang bakanteng posisyon sa kompanya. Medyo mataas ang posisyon kaya kinokonsulta muna ng mabuti ng HR si Madame.
YOU ARE READING
Lifeless
RomanceA car accident ruined Fyanna's life. She lives, but lives as if she is lifeless. She lost the love of her life, the main reason why she goes on with life. Her emotions have gone and all that she's left with is pain. How can Fyanna go back to her old...