Prologue

41 3 0
                                    

Prologue



"Kapag ba nawala ako, iiyak ka? I mean, malulungkot ka? Hahanapin mo ba ako? Paano kapag wala na ako? A-anong gagawin mo?" Ang pabiro niyang saad sa akin. Napatitig ako sa kanyang mukha habang unti-unti namang naglaho ang nakaguhit na mga ngiti sa aking mukha.

Seryuso akong nakatingin sa kanya habang binabasa ko ang kanyang emosyon.

"Ano, sumagot ka! Gusto ko marinig ang sagot mo." Ang natatawa niya pang sabi but deep inside, alam ko kung gaano kahirap ang pinagdadaanan niya ngayon. She's a strong woman. Lumaban ka!

Iniwas ko ang aking tingin sa kanya at tumingin sa malayo. Hindi ko lubos maisip ang sagot sa kanyang mga tanong. Tanong na kahit kailan ayukong sagutin.

Paano nga ba ako kung wala na siya? Anong bukas ang naghihintay sa akin? Kaya ko ba? Pinilit kung ngumiti upang hindi niya mapansin ang sakit na gumuguhit sa aking puso.

"Hindi ka mawawala. Sabay tayong tatanda, sabay nating palalakihin ang mga magiging anak natin. Yung mga pangarap mo, pangarap nating dalawa. Hindi mo pa oras, matagal pa ang lalakbayin mo, nating dalawa. Magtiwala ka, sabay nating lalabanan ang hamon na ito." Ang saad ko bago ko tuluyang ibaling ang aking tingin sa kanya.

Ang dating maaliwalas niyang mukha ay napuno ng lungkot. Ang mga butil ng luha na nangingilid sa kanyang mga mata ay tanda ng pagiging mahina at pagod sa laban. Ayukong iparamdam sa kanya na nag-iisa siya sa laban na ito. Gagaling siya! "Gagaling ka!"

"Hindi mo naman sinagot ang tanong ko." Ang malungkot niyang tugon.

Nakipagsabayan ako sa mga titig niya. Ang repleksyon na nakikita ko ay unti-unting dumudurog sa akin. Matagal na niyang nilalabanan ang malubhang sakit at pilit na nagpapakatatag para sa akin at sa mga taong mahal na mahal niya.

"Hindi ko alam Lah, hindi ko alam kung anong isasagot ko sa tanong mo. Hindi ba pwedeng let's focus sa mga positive situation?"

"Casper, hindi na ako magtatagal." Naramdaman ko ang pagcrack ng boses niya at tuluyan na ngang bumagsak ang mga luha sa kanyang mga mata. "I'm sorry. Sorry, hindi ko na kaya. Gusto kong sabihin sayo na kapag---kapag wala na ako, gawin mo yung mga bagay na magpapasaya sayo." Iniwas ko ang aking tingin sa kanya dahil ayukong makita siyang umiiyak. "Sa mga panahon na lagi mo akong pinipili, laging inuuna sa lahat, sa pagmamahal mo. Maraming maraming salamat."

Hinila ko siya at agad na niyakap. Walang humpay ang pagbagsak ng kanyang mga luha. Wala akong magawa para maibsan ang kirot at sakit na nasa kanya.

"Lord bakit ako!? Ginawa ko naman ang lahat para maging isang mabuti!? Bakit kailangan kung pagdaanan ang lahat ng 'to! Maraming masasamang tao, bakit hindi na lang sila!? Bakit ako pa! Favorite niyo ba ako!?" Ang daing niya habang umiiyak na nakayakap sa akin.

Marahil nga, sinusubok tayo ng diyos kung gaano tayo katatag. Kung gaano tayo katibay, kung gaano tayo kahanda.

"To my beloved Delilah, I will always love you."





A/N :

KUNG NABASA NIYO NA ANG HIS MILLIONAIRE AT MARAMI SA INYO ANG NAPAIYAK. ISA NA NAMANG KWENTO ANG AKING GAGAWIN NA MAGPAPADUROG SA INYONG MGA PUSO.

NAWAY SAMAHAN NIYO KO SA BAGONG KWENTO NA ITO. ♥️♥️♥️

----

KUYA CHAD

To My Beloved, DelilahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon