"Kumidlat tila langit ang nagsasabi bumalik na ako sa iyong tabi..."
"Hay, naku kang babaeng ka! Tanghali na! Tulog ka pa!?" Sigaw ni Manang Letizia kay Anieniana dahil alas diyes na ng umaga ay nakahilata pa rin ito sa kaniyang kama.
Tulog mantika pa naman ang dalaga."Aba'y gumising ka na Nie-Nie! Magagalit na naman ang daddy mo! Jusko!" Pagpapa- ulit na sigaw ni Manang Letizia kay Anieniana. Kahit anong gawing lakas ng pagsigaw ng matanda ay hindi man lang ito magising-gising.
Pinalo ni Manang Lourdes ang dalaga at kinurot ang tagiliran nito. Dahil sa sobrang nipis ng suot na pantulog ng dalaga ay agad makikita sa kaniyang mukha ang sakit ng kurot sa kaniya ng matanda. Parang isang mahika ang mga kurot ni Manang Lourdes dahil sa ginawa niyang iyon ay agad na nagising ang dalaga.
"Aray naman manang! Ang sakit sakit po kaya ng kurot ninyo. Ayos lang sana kung palo e, pero hindi may kasama pang kurot." Pagrereklamo ng dalaga sa kanilang mayordoma.
Napangiti naman ang matanda sa kaniya. Paanong hindi siya kukurutin ay hindi man lang magising-gising ng sigaw lang. Kailangang may kurot ng kasama para gising na gising ito.
"Tumayo ka na diyan at parating na ang ama mo. Baka nalilimutan mo rin may pasok ka pa ng alas onse iha."
Napatingin si Anieniana sa dingding ng kaniyang kwarto. Kung saan nandoroon ang orasan niya. Napalaki ang mga mata niya ng makitang trenta minutos na lang amg natitira para sa kaniyang paghahanda papuntang paaralan.
"Naku! Manang maliligo na po ako. Male-late na po ako." Dali-daling tinakbo niya ang tinungo ang comfort room sa loob ng kwarto niya. Napailing naman ang matanda dahil sa ginawang pagmamadali ng dalaga pagkatapos ay lumabas na siya para salubungin ang ama ng dalaga na papauwi na ngayon.
Isang babaeng anak lang si Anieniana. Siya ang nagsisilbing panganay at bunso sa kanilang pamilya. Sa edad na dise otso ay hindi maipagkakailang nag-matured na ito. Hindi na siya yung dating bibong bata at nawala na rin ang pagkakulit nito. Ngunit ang hindi nawala sa kaniya ay ang pagiging malungkot bilang mag-isa dahil sa wala na rin ang mommy niya.
"Nie-Nie! Andiyan na ang daddy mo! bumaba ka na." Rinig niyang sigaw ni Manang Letizia mula sa labas ng kwarto niya. Tamang tapos na siya sa pagbibihis ng kaniyanh susuotin sa pagpasok. Tiningnan niya ang sarili sa salamin napangiti siya ng makita ang kaniyang replika. Light make-up lang ang ginamit niya ngunit hindi maitatanggi mas lalo siyang gumanda.
Manipis na labing mamula-mula. Ang mata niyang may mahahabang pilik-mata. Ang hugis ng kaniyang mukha ay parang isang puso. Ang mga kutis niyang mala Snow White sa puti. Napangiti siya sa sarili. "Anieniana! You are still goddess! Walang kupas ang kadyosahan mo." Papuri pa niya sa sarili.
"Niana! Go down now. I have to tell you something!" Naibalik niya ang kaniyang diwa ng marinig niyang sumigaw ang kaniyang ama na kararating lamang. Dali-dali siyang lumabas ng kwarto dala ang mga gamit niya. May sampong minuto na lang siyang nalalabi nang pagkatigin niya sa orasan.
"Dad! God! I'm sorry. I didn't know that you're already arrived. I'm really really sorry." Pamungad niya sa ama at hinalikan ito sa pisngi.
"Iha, Manang said that you awake late. Why? Did you go to party with your friends?" Lintanya ng kaniyang ama.
"No. Daddy, alam mo namang late talaga akong nagigising. I'm sorry dad. And I have to go now. Late na ako dad! Bye. Mamaya na lang po kita kakausapin, Dad." Nagmamadaling humalik siya ulit sa kaniyang ama. Luckily because their car is already there and ready to ride now. Pagkabukas ng pinto ng kanilang driver na si Mang Nestor ay mabilis siyang pumasok at umupo.
BINABASA MO ANG
Hottest Oppa Series:1 G-Waeghan Dreg Sucksler
Fiksi Umum"Hmm... You're smell seems familiar to me. I wonder where the first I smell that scent of your's." -G-Waeghan Dreg Sucksler A/N: Hi to all if my KPOP friend's/follower's here. 😂 This is my first story do support this. G-Dragon muna. Next na...