Chapter Two

27.3K 340 22
                                    

Chapter Two

TEN thirty na kami nakadating ng bahay at naabutan ko si Aling Lordes na hinahainan ng pagkain ang dalawa kong nakakabatang kapatid.

"Ate!"

Tumakbo papunta sa'kin ang bunso kong kapatid na si Isiah Evan o Isivan kung tawagin namin siya. Limang taong gulang palang siya, 2 years old siya ng mawala ang mga magulang namin.

Yumuko ako para mahalikan ang pisngi niya at mahalikan niya din ang pisngi ko.

"Kuya!" Sabi naman niya sabay baling kay Matt-Matth. Kagaya ko ay yumuko din siya para makahalin sa kapatid namin.

Binalingan ko ang lamesa at ngumiti nang makita ko ang sumunod kay Matthew, Si David John o Dj kung tawagin namin.

Lumapit ako sakanya at hinalikan ang ulo niya. Yinakap niya ako.

Sa edad na walong taong gulang ay na diagnose siya na may butas ang puso. Noon naman ay malakas pa siya pero nung namatay ang mga magulang namin ay tumamlay siya na ikinabahala ko dahil baka makaepekto iyon sa sakit niya. Ngayon ay 14 years old na siya sa awa ng dios ay hindi siya sinusumpong pero pinaalalahanan kami ng doktor na kung maari ay manatili nalang siya dito sa bahay at iwasan ang mapagod o maexcite. Kaya ngayon ay hindi siya nag-aaral pero kahit ganoon ay natututor parin siya ni Matthew kaya parang nag hohome schooling din siya.

Bumaling ako kay Aling Lordes, "Hindi po ba nagkulit si Isivan?" Tanong ko.

"No, Ate! I'm behave kaya, diba Nanay Lordes?" sagot ng kapatid ko.

"I'm not asking you.." I said to him.

Ngumuso ang kapatid ko ng ikinatawa namin dahil cute na cute siya kapag gano'n ang ginagawa.

"Naku, Ley, Hindi nagkulit iyan." Nakangiti niyang saad sabay pabirong kuror kay Isivan.

"I told yah!" Isivan said with wide grin.

Ngumiti nalang ako at hinalikan nalang siya uli sa ulo. Lumaking englishero si Isivan dahil sinanay ng mga magulang namin. Nagtatagalog siya pero taglish naman.

"Ate, pahinga ka muna.." Mahinang boses na sabi ng kapatid ko.

Nilingon ko si Dj na nakangiti sa'kin. Siya yung nagsalita.

"Ayaw mo bang magbonding muna tayo?" Tanong ko habang sinusuklay ang buhok niya gamit ang kamay ko.

"Gusto ko Ate kaso kailangan mo magpahinga dahil may work ka mamaya diba?"

"Sige na nga magpapahinga na ako pero bago yun.. kiss ko muna?" Nakangiting tanong ko.

Biglang nagtatatalon si Isivan, "Me! Me! I want to kiss you, Ate!"

Natawa kami sa kakulitan niya. Lumapit siya sa'kin kaya yumuko na ako at hinalikan niya ako sa pisngi na pagkadiin-diin.

"Mmmm-muaaah!"

Lumapit naman sa'kin si Sebastian Matthew at hinalikan ako ulo ko. Si Dj naman ay tumayo at hinalikan ako sa pisngi. Sa edad niyang katorse ay matangkad na din siya, mas matangkad siya sakin ng kaonti.

"Love you, Ate!" Mahinang sabi nito at yinakap ako.

"Mahal ko kayong mga kapatid ko.." Sabi ko

Naramdaman ko ang pagyakap ni Isiva sa bewang ko at si Matthew naman ay yinakap kaming tatlo.

Napanaling kami kay Aling Lordes ng marinig namin siya humagulgol. Nagkatinginan kaming magkakapatid.

"Nakakatats kasi iyang moment niyo mga anak.." Sabi niya at mas lalong humagulgol pa.

Every Inch Of You (Sharing In One Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon