Prologue: The Story

18 8 38
                                    

Prologue: The Story

My dear mom?

Psh. Different.

My lovely life?

Duh. Parang opposite lang.

My sequenced destiny?

Changed.

Ano pa ba ang kelangan niyo sa isang katulad kong walang pakealam sa buhay? All I want was attention, okay? Yes, mahirap kami at sabi nga nila, mas malapit sa pamilya kapag mahirap, but what if my family just got further and further from each other? Mahirap na nga ang buhay, terrible pa.

Hindi sa nagre-reklamo ako, but ever since this life of mine started, it was already miserable. Namatay ang daddy ko dahil pinatay sa walang kwenta kong totoong ina, na nakalaya naman sa preso dahil sa perang naukit sa isang mabahong businessman.

I was just a 1-year-old girl to experience all of this. Lumaki akong isang bullied student, although I was the top of the class in Elementary, hindi ko nakuha ang chance na magpatuloy, hanggang Grade 2 lang nga ako.

Do you know why I felt so miserable after? Kasi, iniwan ako sa isang merkado when I was just 7-years-old, and yes I was so little, malnourished ako, pandak at mukha ngang baby face na gawa lang sa buto.

Ang sarap nga balikan ng mga moments na yun eh, compared sa kung ano na ako ngayon...

"Sabing dito ka lang eh! Palibhasa walang alam!", gusto ko nang umiyak, at nangyari ngang nabasa ako sa walang hangganang pag-bagsak ng mga luha. Pitong taon pa ako pero nakakaranas na ako ng ganito, perpekto para sa isang teleserye.

"'Wag mo akong iwan ina!", hawak-hawak ko ngayon ang kamay ng ina ko na sa halip ay magpalaki sa akin, ay nag-sira sa akin.

"Dito ka lang!", ako na ang sentro ng atensyon sa merkadong ito. Halos lahat ng taong nandito naka-tingin sa akin.

Dahil sa kahiyaan, napa-upo nalang ako sa sahig at napahikbi. Nawala naman ako sa piling ng mga tao, nagpatuloy lang sila sa paglalakad at hinayaan ako.

Hanggang sa may babaeng lumapit sa akin, naka-high ponytail ang itim nitong buhok, at ang talim ng cheekbones, maganda ang pangangatawan, matangkad at naka-all black ito tapos naka-shades.

Agaw-tingin ang napaka-ganda nitong sapatos na para bang sariwang-sariwa galing sa isang factory.

"Iniwan ka na ng ina mo, kaya sumama ka sa akin", inangat ko ang ulo at nakita siya, napaka-ganda niya, ang tangos ng ilong at maputi at makinis ang balat.

"Talaga po?", dahil sa desperasyong na magkaroon ng mapayapang buhay sumama ako sa kanya. Kaya lang, hindi ko na alam kung saan kami papunta.

Nabura na ang memoryang yun. And I will never recreate it also. Pero hindi lang dun nagtatapos ang mga moments bago nagbago ang landas ko. 

18 years old and popular in school. Para lang akong nagising sa katotohanang kasama ko na si Margarette Al Sharique Jones, ang may-ari ng sikat na kompanyang MaJ Shoes.

I was one of the models used, at dahil dun, sumikat ako sa paaralan and I was later then called, from Raven Alicia Montague to Raven Alicia Desnia Al Sharique Jones.

Parang kahapon lang, suot ko ang gusot-gusot na pantalon at marumi na puting t-shirt, tapos ngayon naka-high heels na ako tapos naka-white overalls with matching Chanel leather jacket at Gucci purse.

Umuwi na ako galing sa paaralan at tumambad sa akin si madame Jones-- este mommy Jones sa isang wheelchair. "Good evening mommy"

"Pack your bags", bigla namang kumunot ang noo ko. "May pupuntahan ka, at wag na wag ka nang bumalik dito"

My world was shook at the thought na hindi ko na makaka-piling si mommy Jones, at babalik na ako sa pinanggalingan ko.

"You're wrong", napatingin ulit ako kay Mommy Jones. "You will still have my wealth, but then you're going to transfer, learn Karate, Martial Arts, Taekwondo, Boxing and every excercise possible"

Nanlaki ang mga mata ko. "Train and come back skilled"

Tapos napadpad ako sa isang paaralang hindi ko inaasahan.

Ayanu-High Academy

*****

The Operatives (REVAMPED VERSION OF DARK SHADOWS)Where stories live. Discover now