Six

267 16 1
                                    

Pattricia Esqueto

Finally i got home...

Gusto pa sana ng mga ka-team ko na mag celebrate kami dahil sa pagkakapasok namin sa Finals kaya lang feeling ko napagod ako sa game namin kanina kaya gusto kong magpahinga na muna. Next time na 'ko makiki-celebrate kapag championship na ang nakuha namin.

Pumasok na 'ko ng bahay at sa pinto palang sinalubong na 'ko ng kapatid ko.

“Ate, may bisita ka. Ang gwapo niya! I didn't know na may manliligaw ka na.” Sabi niya.

“Ha?! Wala akong manliligaw 'no!” Kunot noo kong sabi. Sino bang bisita ang tinutukoy nito? At gwapo daw ha!

“Eh kung gano'n sino 'yon?”

“Malay ko ikaw nagpapasok eh.”

“Kilala mo daw siya eh.”

“Sino daw ba siya?”

“Nicholas.”

Nicholas? Isa lang ang Nicholas na kilala ko at 'yon 'yong Casanovang tumulong sa'kin na magpanggap na maging boyfriend ko sa harap ni Barry.

Anong ginagawa niya dito? Paano niya nalaman ang bahay ko?

“Where is he?” I asked.

“Your room.”

“What??!! Bakit mo siya pinapasok sa kwarto ko?”

“Eh kasi sabi niya gusto niyang makita ang kwarto mo. Hindi ko natanggihan kasi... ang gwapo eh.”

I rolled my eyes. Purket gwapo hinayaan na niyang pumasok? Paano kung hindi ko pala talaga kilala 'yon at pagnakawan kami? Urgh! Minsan talaga ang sarap batukan nitong kapatid ko eh.

Nag madali akong pumunta sa kwarto ko. Pagpasok na pagpasok ko naabutan ko siyang tinitignan ang mga medals, trophies ko mula sa Volleyball at gano'n din ang mga litrato kong naka frame pa.

Ngayon hindi na 'ko nagtaka kung bakit na gwapuhan ang kapatid ko sa kanya, ang gwapo niya din kasi talaga ngayon sa suot niyang itim na polo at may pa-kita-chest pa siyang ganap na nag pa-hot sa kanya lalo. Kahit sinong girl ma-a-amazed sa ka-gwapuhan niya kaya siguro mabilis din niyang ma-i-kama ang babaeng natitipuhan niya.

Tumingin siya sa direksyon ko nang mapansin ako and instantly nag smile siya.

“What are you doing here?” I asked him.

“I wanted to see your room.”

“No! What i mean is what are you doing here in my house?!”

“Prince told me na you said if i want to get your number ako mismo ang kumuha nun, that's why I'm here.”

Seryoso ba siya dyan? Dahil lang sa number ko pumunta pa siya dito? Bored siguro 'to!

“I told him that in a sarcastic way, i didn't know na se-seryosohin mo pala.”

He shrugged. “Well, tinake ko 'yon ng seryoso kaya nandito ako ngayon.”

Napabuntong hininga nalang ako sa sinabi niya.

Inabot ko kay Nicholas ang kamay ko. “Give me your cellphone.” I told him.

He wants my number edi ibibigay ko.

Lumapit siya sa'kin at inabot ang cellphone niya sa'kin na may pilyong ngisi sa labi. Kinuha ko agad 'to at nilagay na dito ang number ko. After nun, ibinalik ko na sa kanya ang cellphone niya.

“'Yan na, nakuha mo na! Umalis ka na dahil magpapahinga na 'ko. Pagod ako dahil kagagaling ko lang sa game ko.”

“I know, i watched your game.”

“Really?”

“Yeah! You were good. Wala akong masyadong alam sa Volleyball but i know you're good.”

“Okay. Nabigay ko na number ko, may kailangan ka pa?”

He nodded. “Yup.”

“Ano 'yon?”

“Ikaw!” Tumitig siya sa mata ko.

I rolled my eyes. “Stop using me your moves Nicholas, it won't work.”

He chuckled. “Ni hindi ko pa nga ginagamit ang moves ko sa'yo doll face. Do you want me to do it?”

“Hell no!” Hindi ko rin naman kasi ma-a-aasure sarili ko na hindi nga ako ma-a-apektuhan sa gagawin niya. Eh no'ng hinalikan niya ako sa likod ng tenga ko, may naramdaman ako eh.

“Do you wanna know what i think about you?” I asked him.

“Uh... No?” Patanong niyang sagot.

“Sasabihin ko pa rin.” Nilagay ko ang mga kamay ko sa waist ko. “Maliban  sa gwapo mong mukha ang nakikita ko sa mukha mo ay Beware of Casanova, it's like written in your forehead na ako lang ang nakakakita. Kaya kahit anong gawin mo maapektuhan man ako o hindi walang mangyayari!”

“So, inaamin mong na aapektuhan ka?” He smirked.

“It doesn't matter like what i said, walang mangyayari!”

“Baka kainin mo 'yang sinasabi mo!”

“You know what, I think mas bagay tayong maging magkaibigan.” Sabi ko.

He laughed na akala mo nag joke ako. “I don't think na puwede tayong maging mag kaibigan, doll face.”

“Why not?” Bakit hindi ba 'ko friend material? Friendly kaya ako!

“Dahil mabilis ma-attract ang babae sa'kin kaya walang nag tatagal na kaibigang babae sa'kin.”

“Ako na siguro ang magtatagal.”

“You are just making it easier for me to have sex with you.”

“Pabor naman ata sa'yo 'yon.”

“You're right!” Dahan-dahan niyang itinaas ang kamay niya papalapit sa mukha ko. Hinawi niya ang buhok ko papunta sa likod ng taenga ko. “Okay, let's be friends, doll face.” He makes a seductive face as he says the words doll face then he smirked.

Hinawi ko ang kamay niya 'saka ko tinuro ang pinto ng kwarto ko. “Puwede ka na bang umalis?” Tanong ko.

“That's very rude doll face. I thought we're friends. Hindi mo manlang ba pakakainin ang kaibigan mo?”

Urgh! Gusto ko na talagang magpahinga pero mukhang hindi talaga ako pagpapahingahin ng lalakeng 'to. “I don't know kung may lutong pagkain sa kusina.”

“Cook for me.”

“Okay!”

Nag lakad na 'ko palabas ng kwarto ko ramdam ko naman na nakasunod lang siya sa'kin. Hindi nga lang masyadong maganda ang pakiramdam ko na nasa likod ko siya feeling ko kasi minamanyak niya ako sa likod.

Nang makarating kami sa kusina, I'm right na wala ngang lutong pagkain. Siguro dahil alam naman ni Pattrice na diretso akong matutulog pagkauwi ko after game kaya hindi na siya nag abalang magluto.

“What do you want--”

“You!”

“To eat!

He smirked, widely. “You!

Walang matinong usapang makukuha sa lalakeng 'to.

“Hindi ganyan sumagot sa kaibigan.”

“Paano ba? Enlighten me.”

“Kailangan ba talagang i-enlighten ka pa? Siguro naman may kaibigan ka 'di ba?”

“Yup! Pero hindi babae.”

“Just treat me like one of your dude friends.”

“Dude with a boobs?” He makes a face and he looked at my breast. “That's very hard, doll face.”

Haay! Bakit ko pa kasi in-offer na makipag kaibigan sa kanya eh?!

To be continued...

Beware of CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon