Nicholas Cross
I'M drinking cold water habang naglalakad ako papuntang sala at habang busy sa kaka-scroll ng cellphone ko. Tinitignan ko ang contacts ko kung sino puwedeng tawagan para may gawin naman ako mamayang gabi after umalis ng babaeng na i-kama ko kanina lang. She's taking a bath now.
Naisip ko na tawagan na lang si Prince at pumunta sa Club mamaya.
Ilang ring din bago niya 'to sinagot.
"Hello dude?" Nakakarinig ako ng sigawan sa kabilang linya.
"Where are you dude?" I asked.
"Kasama ko ngayon si Georgette nanunuod kami ng game ni Patti."
"Game?"
"Yup! Volleyball player si Patti."
Oo nga pala. Nabanggit 'yon ng ex niya noong nag panggap akong boyfriend niya dahil mukhang desperada siyang isipin ng ex niya na nakahanap na rin siya ng iba. Well, sa ganda niyang 'yon madali lang para sa kanya ang makahanap ng iba.
"Pinapalabas ba ngayon sa TV 'yan?" Tanong ko. Gusto kong makita kung magaling ba siyang maglaro kahit na wala naman akong idea kung ano ba'ng basehan kung magaling ba o hindi ang isang Volleyball player.
"Yup!"
"What Channel?"
I heard na tinanong niya si Georgette kung anong channel then sinabi niya sa'kin 'to.
"Thanks!" I ended the call. Dali-dali kong binuksan ang TV at nilagay sa channel na sinabi ni Prince sa'kin at presto mukha niya agad ang nakita ko na nakangiti kaya napangiti din ako.
Mukhang maganda ang hit niya ayon sa replay na pinapakita at sinasabi ng mga commentator tungkol sa ginawa niya.
This is my first time na makita ang totoo niyang ngiti. Mas okay pala sa kanya ang nakangiti kesa laging nakasimangot at nagpapakipot.
Umupo ako sa couch at nag continue lang sa panunuod ng game nila. The score is 17-19 in favor of Patti's Team. I'm not familiar with the game kaya wala akong idea kung anong nangyayari. Well hindi rin naman ang game ang pinapanuod ko kun'di si Patti na kahit pawisan na maganda pa rin.
"What are you watching?" Dinig kong sabi nung babaeng na i-kama ko kanina.
"Volleyball." Sagot ko. Hindi ako nag abalang tignan pa siya.
"I didn't know na mahilig ka palang manuod ng Volleyball."
Hindi naman talaga.
Umupo siya sa tabi ko at hinaplos ako sa dibdib ko. "Gusto mo na ba talaga akong umuwi? Puwede pa naman akong mag stay dito eh."
"Yup, may pupuntahan pa 'ko eh." I lied.
"Really?" She kissed my cheek. "Ayaw mo ba ng round two?" She whispered, seductively.
"No!" I don't do, round two. Isang fuck lang sa babae ayos na 'ko. Baka kasi manghinge na ng commitment kapag may round two.
She touched my cheek forcing mo to face her. She caresses my lips, using her pointing finger and she's looking directly at my lips. She planned to kiss me but i refused.
"Patti Esqueto is on the service line." Dinig kong sabi nung commentator kaya binaling ko ulit ang tingin ko sa TV monitor. I watched her served the ball perfectly. It landed on arm of opponent pero hindi niya 'to na control kaya lumayo ang bola at naging score ng team ni Patti.
I watched her again, celebrating, smiling with her team.
How come na pinagdamot niya sa'kin 'yang ngiting 'yan?
I dialed Prince number again. Gusto kong makuha ang number ni Patti, i hope meron siya.
"Sino tinatawagan mo?" Tanong nitong babaeng na i-kama.
"Kaibigan lang." Tumayo na muna ako sandali at lumayo sa kanya para hindi niya marinig paguusapan namin.
"Hello?" Prince answered it.
"Dude, may number ka ba ni Patti?"
"Wala eh, bakit?"
"Hihingiin ko sana eh."
"Hingiin ko kay Georgette, gusto mo ba?"
"Sige, salamat."
"Sige, i-se-send ko nalang sa'yo kung ibibigay niya." Ibibigay naman niya siguro 'yon.
Pinatay ko na 'yong tawag para maka-diskarte na siya.
Tumingin ulit ako sa TV screen at nanuod. The opponent got a chance to score by a hard hit kaya service na ng kalaban.
"Aalis na 'ko!" Dinig kong sabi nung babae kaya nabaling ko ang tingin sa kanya.
Mabuti naman.
"Mas inuuna mo pang manuod ng Volleyball game kesa i-entertain ang bisita mo!" Medyo irita niyang sabi. "Boring ka palang kasama after sex."
"Yeah! Yeah! Whatever! Go! Umalis ka na!" Pagtataboy ko.
Umupo ulit ako sa couch at nanuod nalang ulit. Hinayaan ko nalang siyang umalis since gusto ko rin namang tapusin ang game ni Patti ni hindi na 'ko nag abalang ihatid siya hanggang maakalis siya ng penthouse ko.
Hinihintay ko din ang text ni Prince na until now wala pa din. Baka ayaw din ibigay ni Georgette sa kanya 'yong number ni Patti para ibigay sa'kin. Naalala ko tuloy 'yong sinabi sa'kin ni Patti na winarningan siya ni Georgette tungkol sa'kin. 'Yon siguro ang dahilan kung bakit hindi niya binibigay ang number ni Patti.
Haay!
Gusto ko pa namang maka-porma kay Patti para ma-i-score-an na.
The game ended... Patti's Team win three straight sets. Patti is the best player of the game. The commentators says na pasok na sila sa Finals. Ngayon ko lang napansin na Semi-finals na pala ang laro nila.
Tapos na ang game pero wala pa din akong nakukuhang text mula kay Prince. Ngayon lang ako nainip na makuha ang number ng babae.
Finally after ng ilang minuto ng game ni Patti nag text si Prince sa'kin.
** Dude, ang sabi ni Patti kung gusto mo daw ng number niya ikaw ang kumuha. **
I smirked. Gano'n ha! Okay. Ako ang kukuha!
** Text me her address. **
Prince texted me Patti's address...
Ha! Ngayon alam ko ng hindi mabo-bore ang gabi ko dahil alam ko na kung saan ako pupunta.
To be continued...