Pattricia Esqueto
We're on the meeting. Coach Harry is giving us a game plan for our final game na mag sisimula this Sunday. The opponent team is like a real rival team for us. Most of the final games here at Philippine Volleyball League was always our team and that rival team kaya pinaghahandaan din talaga at inaabangan ng ibang fans.
After the meeting, next na ginawa namin ay practice.
Ako na nangunguna sa pagpa-practice dahil ako team captain. I'm strict when it comes to practice pero after this ako na si Ms. Friendly ng team.
"Patt, Barry is here." Dinig kong sabi ng teammate kong si Sunny. Bigla kong na ibaling ang tingin sa kanya at sa direksyon ni Barry.
He's wearing the white T-shirt na binigay ko sa kanya noong second anniversary namin. It's a personalize shirt na ako nag design, na may nakaprint na I love you. He hates wearing that kaya nakakapagtakang suot niya 'yan ngayon.
Umupo siya sa benches, mukhang wala naman siyang planong tawagin ako at manunuod lang ng practice namin.
"Hayaan n'yo lang siya." Sabi ko 'saka nag continue na mag practice.
After the practice...
Sa hudyat ni Coach Harry, nag lakad na kaming lahat papunta sa locker room namin.
Tinawag naman agad ako ni Barry kaya wala na 'kong nagawa kundi tignan siya.
"Can we talk?" He asked.
Hindi ko alam kung ano pang gusto niyang pagusapan namin.
"Hihintayin kita sa parking." He said again. Without agreeing to him na kausapin siya nag continue nalang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa locker room.
"Bakit nandito si Barry? Nakikipagbalikan ba siya sa'yo, Captain?" Tanong ng left side hitter naming si Yuna.
"Gano'n na nga!" I sighed.
"Babalikan mo ba?" Tanong ng setter naming si Majoy.
"Hindi 'no! After niya akong lokohin? Asa siya!" Hindi ako 'yong tipo ng babaeng pagbibigyan ng second chance ang lalakeng nangloko sa'kin.
Kinuha ko na 'yong gamit ko sa locker. Kinuha ko sa bag ko ang cellphone ko at earphone. Sa pag unlock ko ng cellphone ko, nakita kong may message ako mula sa isa ko pang matalik na kaibigan na si Alisandria. Binasa ko agad 'to.
I'm back bitches! Who's up for drinks? - A
Nag type ako nang pangreply sa kanya.
I'm in! Where?
Nilgay ko na sa music ang cellphone ko 'saka ko pinatugtog ang Bezzare Love by Frente. Nilagay ko sa tainga ko 'yong earphone 'saka ko sinabit ang bag ko sa balikat ko.
"Mauna na ako guys, see yeah sa game!" I told them.
"'Di ka muna mag sha-shower?" Tanong ni Sunny.
"Sa bahay na." Isa pa kung ipipilit ni Barry na magkausap kami, ayaw kong nando'n ang teammates ko. 'Pag nag shower pa 'ko makakasabay ko pa silang lumabas.
Naglakad na 'ko palabas ng gym, dumiretso ako sa parking at nakita ko naman agad sa tabi ng kotse ko si Barry.
Mukhang hindi ko talaga siya maiiwasn ngayon. Bakit ba kasi hindi nalang niya ako tigilan eh, masakit pa para sa'kin na makita siya. Dahil naaalala ko ang pangloloko niya.
"Tabi dyan!" Nakaharang siya ng pinto ng kotse kaya hindi ako makapasok.
"Let's talk first."
Inalis ko ang isang earphone sa tainga ko. "Wala na tayong dapat pagusapan---"
"Pakinggan mo lang ako, okay?" He snapped.
I sighed. "Fine. Go on!"
"First, i want to congratulate you and your team for being in the finals again."
"Sabihin mo nalang ang gusto mo talagang sabihin Barry, may lakad pa 'ko." I rolled my eyes.
"Okay. Sorry." He apologized. "Babe please, give me another chance. Just one chance---"
Itinapat ko ang kamay ko sa mukha niya para pahintuin siya sa pagsasalita. "I thought na klaro ko na sa'yo noong isang gabi na hindi na 'ko babalik sa'yo? Tingin mo ba magbabago ang isip ko makalipas lang ng ilang araw? Give it up Barry! I'm not interested. Isa pa may boyfriend na 'ko."
I can't believe I'm using Nicholas again. I just don't have any choice.
"Who? That Nicholas? Eh mukhang mas malala pa sa'kin 'yon eh."
Yeah! Mas malala talaga siya sa'yo, tingin mo ba hindi ko alam 'yon? I told him sa isip ko lang syempre.
"Let's say na mas malala siya sa'yo, i don't mind I'm still picking him so... move on!" Hinawi ko siya kaya hindi na siya nakaharang ngayon sa pinto ng kotse.
"Please babe, just once chance. Kung gusto mong ligawan ulit kita gagawin ko 'yon. Kahit abutin ng taon ang pangliligaw ko, ayos lang, bumalik ka lang ulit sa'kin."
"Ayoko nga Barry! Ba't ba ang kulit mo?!" Irita kong sabi.
"Patt," Dinig kong tawag sa'kin. Boses 'yon ni Coach Harry. Tumingin ako sa direksyon niya. "Is everything okay, here?" He asked.
"Y-yeah! Everything is fine, Coach."
"Okay. Can i talk to you for a minute? About the game?"
I nodded. "Opo." Binaling ko ang tingin kay Barry na mukhang nainis sa naputol na conversation naming dalawa. Or puwedeng talaga hindi lang gusto ni Barry ang coach ko. Pinagselosan pa nga niya ito dahil tingin niya may gusto sa'kin ito. Which is mali siya, close lang talaga si Coach sa'ming mga players niya.
Coach is only five years older than me, cute with his killer smile and single kaya siguro pinagselosan siya noon ni Barry.
"Umuwi ka na Barry, please." Lumapit na ako kay Coach.
"Are you okay?" Tanong ni Coach sa'kin paglapit ko. Nakatingin siya sa direksyon ni Barry.
"Opo, ayos lang." Nilingon ko ulit si Barry na ngayon ay paalis na. Salamat naman. "Ano pong sasabihin n'yo sa'kin about sa game?"
He shakes his head, showing me his dimples. "Wala talaga akong sasabihin. Sinabi ko lang 'yon para ilayo ka sa ex mo."
I blinked at him, shockingly. "Alam n'yo po palang ex ko nalang siya?"
"Oo, kalat sa buong team 'yon."
Nakakahiya kung gano'n.
"Sige na, umuwi na ka na. Wala na 'yong ex mo."
"Salamat po."
Ngumiti lang siya bilang tugon sa sinabi ko.
To be continued...
Hello! Promote ko lang din YouTube channel ko (Animation Channel) :
Seul_
May plano akong gawing maiksing series. Search n'yo lang username ko if 'di n'yo makita agad search n'yo po “Seul_ Friends to lovers" isa isa mga videos ko doon. Haha! Salamat! Subscribe na po kayo. 😅