Chapter 1 -Palpak/Malas-

36 2 0
                                    

Di nako makatapos sa mga ginagawa ko ang dami dami kong naiisip pero di ko mabigyang lapat :D haaayyy sana po magustuhan nyo.

__________________________________________________________________________




(Nicole's POV's)

May kasabihan po tayo na ang babaeng madalas mataranta ay palaging pumapalpak.

Toinks! little Miss Philippines.

Well tama, sumobra ata ang pag-kamalas ko ngayong araw na to.

Dahil sa ma-le-late na ako, hindi ko na tiningnan kung tama ba yung nai-save ko na presentation sa USB ko, syempre palpak nanaman, imbis na mga animals ayun muka ko ang nakita nila syempre hindi naman ako ganong napag tawanan dahil maganda naman akong kumanta no. Pero syempre disapointed ang prof ko sakin. Isa kasi ako sa mga nangunguna sa klase namin.

Hindi lang naman yon ang kamalasang nangyari sakin, after kong malagpasan ang palpak na presentation ayun dahil sa sobra kong pag mamadali naka bangga pa ako ng lalaki, kitang kita ko kung pano natapon ang kapeng hawak nito, pero dahil nga sa sobrang pag mamadali ko para habulin ang prof ko ni hindi ko na sya natulungan, nag sorry nalang ako at agad na umalis.

Hit and run!

Grabe nagawa ko yun?

no choice eh, kaylangan kong mag paliwanag at humingi ng second chance.

 "Anong nangyari sayo best?!" -- Rona

Ito naman ang best friend kong si Rona, Cheer leader ito sa university namin, maganda at mayaman ito bukod don ay sikat pa sa buong campus namin, pero ang pinaka nagustuhan ko dito ay mabait ito.

"Worst than death ang nangyari sakin ngayong umaga." Napa buntong hininga ako.

Umupo ito sa tabi ko.

"Nag madali ka nanaman siguro no?"-- Rona

Hindi naman ako naka imik, wow speechless!

"Okay lang yon, pero sa susunod wag kanang mataranta baka mas worst pa ang susunod na mangyari sayo."-- Rona

Napangiti naman sya, ang laki talaga ng pinag kaiba nila, sa simpleng pag comport ay nakakapag pagaan na ito ng loob ng isang tao. Mahaba ang pasensya nito, samantalang sya ay wala pa sa kalahati, Babaeng babae ito kung kumilos habang sya naman ay hindi, Mahilig sya sa sports ito ay mas hilig ang pag aaral, mahilig syang kumanta ito naman ay sumayaw. there's a lot differences between the two of us.

"Sana nga mag dilang anghel ka." 

"Best maipapakilala na kita sa fiance ko dumating na sya kahapon, baka mamaya sunduin ako non dito." -- Rona

Masaya naman sya sa sinabi nito, Matagal na nyang naririnig ang tungkol sa fiance nito pero dahil nasa ibang bansa ay hindi ito maka hanap ng pag kakataon para ipa kilala sya sa lalaking bumihag sa puso nito.

(Kring.... Kring.... Kring....)

hahaha bongga ang pag ring ng cellphone :D

"Akin ba yung tumutunog?" -- Rona

"Malamang iyo, nasa locker yung phone ko eh."

Well i tried my best para gayahin si Vice Ganda pero talagang hindi ko makuha ang mga kalokohan nya.

Kinuha nito sa bag ang cellphone at sinagot, mamaya maya lang ay nawala na ang ngiti sa mga labi nito.

"Okay I understand, I love you, bye."-- Rona

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon