"Hiro apo, Gumising ka na diyan at mag-agahan na tayo" I slowly opened my eyes and reply her with a soft growl.
Tinakloban ko pa ang katawan ko ng kumot pero wala pa din akong nagawa ng hablutin ito ni Lola.
"Dalian mo na diyaan at baka ikaw ay malate" Sabi ni lola with her usual batanggenyo tone
Wala na akong nagawa kung hindi ang bumangon na lang mula sa pagkakahiga. Sumulyap kasi ang malakas at nakakasilaw na sinag ng araw sa kwarto matapos na buksan ni Lola ang bintana sa aking kwarto.
Bago ko pa man ibuka ang bibig ko ay muling nagsalita si lola na para bang nabasa niya ang nais kong tanongin.
"Mag aala syete na ng umaga, kaya dalian mo na diyaan"
"Sige po" Ang tanging naisagot ko saka mabilis na inayos ang higaan ko
Bago pa man siya lumabas ng kwarto ay binigay niya sa akin ang tuwalya ko na nakasabit duon sa loob ng c.r.
"Maligo ka na doon" sabi niya saka siya tumalikod at lumabas ng kwarto
Dumeritso ako sa banyo saka ko binasa ang katawan ko ng malamig na tubig na nanggagaling sa shower. The cold water dripped down into my body which sent shivers down my spine. Sinadya kong malamig na tubig ang gamitin para magising ng tuloyan ang katawan ko. After a couple of minutes ay natapos na ako sa pagligo at pagsipilyo kaya bumaba na ako at dumeritso sa dining table. Nadatnan ko doon si lola na inaalalayan naman ni yaya Mering na isa isang inilalagay ang kaniyang mga niluto sa mesa, Mukhang nakabalik na siya dito sa manila mula sa kaniyang bakasyon.
"Hiro andiyan ka na pala, Umupo ka na at mag almusal, Kanina ka pa hinihintay ng Lola mo" Napatango lang ako saka tumabi kay lola na kumakain
"Mabuti naman at maaga ka ngayon apo, siguradong pag hindi pa kita ginising ay alas otso ka na naman gigising" Napakamot ako ng aking batok saka may hiyang napatingin kay lola.
"Sorry lola, promise po gigising na ako ng maaga" sabi ko at napatango naman si lola
Matanda na si Lola kaya dapat lang na hindi na ako maging pabigat at isa pa ay naaawa na ako kay Lola sa pilit na pag aasikaso sa akin, Mabuti na lamang at nakabalik na si yaya Mering dito para naman may makasama na dito si Lola sa bahay habang wala ako. Lola doesn't deserve this, Hindi na din niya kasi nakakasama pa ang mga tita ko which is mga anak ni Lola at kasama na doon si Mama na hindi na nakakadalaw dito. Well let's not talk about that ang importante ay andito ako at si yaya Mering na makakasama ni Lola dito sa bahay. After kong matapos mag breakfast ay saka ako nagpaalam kay Lola at yaya Mering.
"Apo wag ka uli magpapagabi ha?" Pahabol pa ni Lola ng makalabas ako
"Sige po Lola!" I shouted saka ako mabilis na naglakad paalis
Ilang minuto lang na pagbabagtas sa daan ay nakarating din ako sa pinapasukan kong school. The brick structure wall makes the school looks so prestige na sinabayan pa ng mataas na silver gate. I looked up and saw the Golden Logo na una mo talagang mapapansin pagpasok pa lamang ng school. Nakasulat din doon ang pangalan ng school na gold-plated din na napaka prestihiyoso tingnan.
Before I let in I scanned my I.d. na nasa guard post saka ako tuloyan na pinapasok ng guard sa school. It's really portentous how high technology this school was. Everything in this school is really different. The environment and the students, Ibang iba sa nakagisnan kong school. I've been in a private school since i was in grade seven but still, Everything here was so different. Nasa grade 10 na ako ngayon which is my fourth year if K to 12 doesn't apply by DepEd. It's funny how being Copycat our Government was. We indeed colonized by americans. Tch.