"Mabuti naman at nakauwi ka kaagad apo" Puna ni Lola saka niya kinuha ang pitsel ng juice pero pinigilan siya ni Yaya at siya na ang naglagay ng juice sa baso ni Lola. Nginuya ko muna ang kinakain ko saka ito nilunok at uminom ng juice.
"Wala na din naman po kasi akong iba pang gagawin sa school" Sabi ko na lamang at nakita kong napatango lamang si Lola bilang pagsagot. Nasa likuran niya lamang si Yaya Mering na tahimik lang nagmamasid at nakikinig sa usapan namin ni Lola. Inaya pa siya na naming sumabay sa amin maghapunan pero tumanggi ito dahil nauna na daw siyang kumain kanina.
Maaga akong umuwi dito sa bahay dahil narin sa maaga akong pinapauwi ni Lola. Hindi ko tuloy naituloy ang plano ko kanina tungkol doon sa multo na nasa Shower Room ng mga boys. Mukhang itutuloy ko na lang iyon bukas total naman ay sabado naman bukas kaya mukhang maaga pa lamang ay matatapos ko na ang pakay ko. Maraming impormasyon ang naibigay sa akin ni Christopher mabuti na nga lang at may bagay na nakakuha ng atensiyon ngayon sa lahat ng mga sinabi niya.
"Para daw may mga matang nagmamasid sayo pag naliligo ka sabi nong mga Basketball players at ibang pang mga estudyante na naliligo doon sa Shower Room, Naku tol pag ako minulto don di ko alam kong ano gagawin ko" Iyan ang isa sa mga sinabi ni Christopher sa akin kanina. Kaya pala nitong mga nagdaang araw ay wala ng gumagamit doon sa Shower Room ng Boys yong nasa Gymnasium na lang yong ginagamit nila. Mahirap at siksikan doon ngayon madalas pa naman ang kabi kabilang pag pi-P.E. naming mga estudyante.
Napabuntong hininga ako sa naiisip nanghihinayang ako at hindi ko nagawang makapunta doon ngayon. Sisiguraduhin ko na lang na matatapos ko iyon bukas.
Napatayo ako mula sa pagkaka upo saka ko huling ininom ang natitirang juice na nasa baso ko. Napatingin naman si Lola sa akin ganoon din si Yaya Mering.
"Oh apo tapos ka ng kumain?" Tanong ni Lola at napatango naman ako
"Sige kami ng bahala dito" Sabi naman ni Yaya Mering
"Sige akyat na ako" Sabi ko saka ako umakyat at dumeritso sa kwarto
Napahiga na lamang ako sa aking kama at nilalasap ang kalambutan nito. Hindi na ako makapaghintay pa na pumunta doon sa school. Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa saka ito binuksan. Mayroon akong nakitang mga notifications na galing sa facebook at ilang mga Group messages. Nakita ko din doon ang mensahe na pinadala ni Christopher.
From Christopher:
Good Evening Hiro!
Iyon ang nabasa kong mensahe galing sa kaniya. Hindi na ako nagreply at nilagay na lamang ang cellphone ko sa bedside table. Ngayon pa lang ay hindi na mawala wala sa isip ko ang multo na sinasabi ni Christopher sa akin kanina doon sa Shower Room ng mga Boys. Kating kati na ang kamay ko at sa lahat na emosyon ay ang kasabikan ang mas nanaig sa akin. Siguro nga ay idadaan ko na lang sa tulog ang lahat. Bago ko pa man ipikit ang dalawang mata ko ay may nahagilap ang mata ko and i perceived something familiar. No, not something it's someone.
Magsasalita pa lang sana siya ay mabilis kong itinaas ang kamay ko sa ere. Lumayo naman siya at nakita ko ang pagkabigla sa kaniyang mukha. Same presence but I think something changed.
"Ano bang problema mo?, Pwede bang huminahon ka muna?" He said at mababakas sa mukha niya ang pagkagulat habang nakalutang siya sa ere.
"Anong kailangan mo?" I asked and I saw him breathed heavily
"Pwede bang ibaba mo muna iyang kamay mo?" Sabi niya kaya naman mabilis kong binaba ang kamay ko at tiningnan siya ng mariin
"Ngayon sabihin mo, Ano ang kailangan mo?" Tanong ko sa kaniya. Napatikhim muna siya bago bago bumwelo sa pagsasalita
