BONG PAL'S POV
"Woaahhhh" dinig kong sabi nya habang pinagmamasdan ng mabuti yung itlog. Tch
"Ano yang ginagawa mo?"
Nilingon ko sya at tamad syang tinignan "Nagluluto, obvious ba?"
"Ahhh..." Tatango tango nyang sagot "Ano yon?"
Hindi ko nalang sya pinansin at kinrack yung egg sa isang mangkok
"Aba! Bat mo ginawa yon!" Sigaw nya sakin sabay agaw ng mangkok
"Anong bat ko ginawa? Akin na nga yan" agaw ko sa mangkok pero hindi nya yon binibitawan "Isa" iiling iling syang inilalayo sakin yung mangkok "ibibigay mo sakin yan o papalayasin kita?" Kalmado kong banta sakanya
Nanlaki naman ang mata nya at dali daling binigay at ngumuso "Bat mo sinisira kasi.. Ang cute kaya kanina nung bilog! Tignan mo! Kanina white, ngayon dilaw na, ang panget na!"
"Anak ng.. Bat ba ang ignorante mo hah? Pati ba naman itlog?" Inis na sabi ko
Pagkatapos kong haluin yon, niluto ko na yon sa kawali at hinintay na maluto
"Omg! Bat naging ganun! Ang galing! Yung puting bilog kanina naging dilaw at naging.. Ang galing talaga!" Tuwang tuwa nyang sigaw na pumapalakpak pa habang tamad kong tiniklop yon gamit ang sandok at hinati sa apat na slice
Hinain ko na sa hapag yung niluto kong omelet at naglagay ng tig dalawa sa parehong plato namin "Gutom ka diba?" Tanong ko sakanya at dali dali naman syang tumango kaya nginuso ko sakanya yung plato nya
"Bat ka ngumunguso?" Tanong nya sakin kaya hindi ko nalang pinansin "Gusto mo ng kiss?"
Halos mabulunan ako sa sinabi nya kaya uminom ako ng tubig at tinignan sya ng masama "Ang sabi ko gutom ka ba? Kung gutom ka, kainin mo na yan, kung ayaw mo, maligo ka nalang kasi nangangalingasaw yang amoy mo dito sa bahay ko"
Tatango tango nanaman sya at umupo sa harap ko, napabuntong hininga nalang ako
UKNOWN'S POV
Hindi ko naman alam kung papano kumain eh? Papano ba yun?
Pinagmasdan ko nalang kung anong ginagawa nya ng slooooow mooo parang yung nakita kong ginawa ng lalaki kanina doon sa kaninang convenience store daw habang umiinom at doon ko natutunan iyon, at gagawin ko din sakanya ang ginawa ko kanina para maintindihan ko kung papano ba iyon
'Kuhanin ang dalawang stick'
'..Iipit ang kanin at ilagay sa bibig'
'..nguyain ng mabuti'
Tinitignan ko lahat ng ginagawa nya habang nakatingin naman sya sakin
'..At lunukin'
"Ano ba? Bat ganyan ka makatingin na parang ngayon ka lang nakakita ng may kumakain?!" galit nanamang sabi nya
Napasimangot nalang ako sakanya at ginaya sya
'Kuhanin ang stick..'
'..Kunin ang kanin'
Pero kahit anong gawa kong pagtusok doon hindi ko magawa kaya mas binilisan ko pa ang pa ulit ulit na pagtusok ko doon baka sakaling kumapit yung kanin sa stick ko
"Ano ba hah?! Tignan mo yang ginawa mo! Nagkalat ka lang ng kanin! Akin na nga yan" sabay kuha nya sa stick kong gamit at nagbigay ng.. Ano nga ba iyon?
Pinagmasdan ko ito ng mabuti at pilit iniisip kung ano nga ba iyon "Kutsara yan, ganito gamit dyan kung hindi mo alam"
Sabay kuha nya saakin ng kutsarang iyon at kumuha ng kanin sa plato ko at tinapat sakin
BINABASA MO ANG
Who Are You? ( ON-HOLD )
HumorWHO ARE YOU? ( ON-GOING ) I met this girl who suffers a rare disorder for sleeping for a long period of time and when she wakes after a day or two, she'll forget everything.. So she promised me to stay awake to stay with me, and never forget a...