BONG PAL'S POV
"1,000 won" sabi ko sa costumer
Binigay naman nya ang bayad nya at nagmamadaling lumabas
Umupo nalang ako sa malapit na silya dito sa counter at hinilig ang katawan ko ng maramdaman ko ang bigat ng talukap ng mata ko at gusto ng pumikit sa ano mang oras
Pinasadahan ko naman ng tingin ang paligid ng convenience store na pinagtatrabahuan ko
Nahinto naman yung paningin ko doon sa convex mirror at pinapanood kung anong ginagawa ng isang babae na nandon
Pinanood ko syang buksan yung canned soft drink na pepsi at iinumin pero iiling iling nalang nyang ibinabalik iyon sa kinalalagyan non kanina kaya napa kunot naman yung noo ko
Kumuha naman sya ng panibagong canned soft drinks, bubuksan at kapag naayawan ang lasa ibabalik
'Anak ng..'
Napabalilkwas ako ng tayo ng makitang nakarami sya ng nabuksan
"Hoy!" tawag ko sakanya, inosenteng nilingon nya naman ako
Bigla nyang tinuro yung mga soft drinks na nasa cooler "Saan dyan yung hindi masama ang lasa?"
Kinunutan ko lang sya ng noo at pinasadahan ang kabuuan nya, at.. Ang liit nya, hanggang leeg ko nga lang ata to eh.. straight hair sya na matingkad ang pagkaitim ng buhok at madungis sya pero nangingibabaw parin yung pagkaka puti nya at pulang pula ang kanyang labi, naka dress syang black
"Kaya mo bang bayaran lahat ng binuksan mong canned drinks dyan?" tanong ko sakanya at taka naman nya kong tinignan
"Ano yon?" aniya
Napabuntong hininga nalang ako at tinignan sya ng matalim "Yan" turo ko sa hawak nyang coke "At yoon" turo ko naman sa mga binuksan nya kanina "Yan yung sinasabi kong canned soft drink, kaya mo bang bayaran lahat ng yan?"
"Bayaran?" Takang tanong nya
"Wag mong sabihing hindi mo alam ibig sabihin non?"
Tinignan naman nya ko ng naka nganga kaya kinunotan ko sya ng noo "bayaran..? Baya..ran.. Ah! Bayaran!"
Inip ko syang tinignan at nag cross arm habang nakakunot naman ang noo nyang nakatingin sakin "Hindi naman masarap ang lasa! Bat ko babayaran?"
"Kahit na! Eh bakit mo kasi binuksan lahat ng yan? Alam mo ba kung magkano lahat ng binuksan mo?" Inis na sambit ko sakanya at nginusuan naman nyako
"Eee.. Nagugutom na kayo ko!" pagdadahilan nya
Tinaasan ko naman sya ng kilay "Eh kung gutom ka, umuwi ka nalang sa bahay nyo kung wala ka naman palang pera!"
Kinuha ko lahat ng nabuksan nyang inumin at nilagay lahat sa counter, sinundan naman nya ako, sinilip ko naman ang laman ng wallet ko
"Wala ka ba talagang pera?"
Nginusuan naman nyako, sa pang limang pagkakataon.. Napabuntong hininga nanaman ako "Sige na ako ng magbabayad.. Ngayon. Ibigay mo sakin number mo o number ng kakilala mo, bayaran mo nalang ako pag may pera ka na"
Pumunta ko sa harap ng counter at nilagyan isa isa ng tape yung butas ng soft drinks na nabuksan nya habang sya manghang manghang pinapanood ako sa ginagawa ko
'Tsk.. Saan bang planeta to galing to?'
Ng matapos ako, binayaran ko na lahat.. Kinalabasan, yung isasahod ko sana ngayon, walang natira
BINABASA MO ANG
Who Are You? ( ON-HOLD )
HumorWHO ARE YOU? ( ON-GOING ) I met this girl who suffers a rare disorder for sleeping for a long period of time and when she wakes after a day or two, she'll forget everything.. So she promised me to stay awake to stay with me, and never forget a...