CHAPTER 9: TRUTH (PART 2)
[ SI DARRYL sa right side -->
TJ’s P.O.V
FLASHBACK
Dalawang araw na ang lumipas.
Pumayag ako.
Pumayag ako sa gusto ni Darryl.. lahat gagawin ko para sa kapatid ko..
“Kuya, samahan mo ko kay Nezza?” – sabi niya.
Tumango ako at tinulungan siyang tumayo sa higaan niya..
Nagbihis siya at nag ayos na parang walang sakit.
“Gwapo na ba ko ulit Kuya?” – natatawang tanong niya.
Lumabas na kami ng kawrto niya.
“Saan kayo pupunta?” – tanong ni Mama.
“Ma! Lalabas muna kami ni Kuya ha! Kailangan namin magbonding! Lalo na’t sa isang araw na yung alis natin papuntang Las Vegas!” – masayang sabi niya.
Pupunta sila sa Las Vegas para magpagamot si Darryl, dun ko na sana balak mag aral dahil dun gusto ni Mama, pero hindi ko na magagawa yun dahil sa hiniling sakin ni Darryl.. Pag pumunta ako dun, hindi ko magagawa yung hiniling niya.
“Mag ingat kayo ha? Timothy yung kapatid mo.” – nag aalalang sabi ni Mama.
“Oo Ma, ako bahala.” – sagot ko.
Dinala ko yung kotse ko.
BINABASA MO ANG
Numb is in
Teen FictionPaano kung ang taong mahal na mahal mo ay iiwanan ka para sa isang bagay na hindi mo inaasahan? Ipaglalaban mo pa ba siya kahit alam mong mali na? O kakalimutan mo na siya para sa isang taong alam mong palaging nanjan para sayo? Ito po ay kabaliwan...