CHAPTER 33: Truth.Lies.Love

23.8K 381 24
                                    

CHAPTER 33:

 


ALEXIS P.O.V

 

“ako...ang..ama..ng anak ni Ne..zza..”

Tahimik lang kami lahat sa ospital.. ang Mama ni Tj tinignan siya ng buong pagtataka..

Lumapit si Tj kay Darryl.

“Magpahinga ka na. Magpalakas ka ha, para gumaling ka na.” – sabi ni Tj saka inayos ang kumot ni Darryl, sumang ayon naman si Darryl at ipinikit ang mata.

Lumabas si Tj, sinundan ko siya ganun din ang Mama at Daddy niya.

“Anong ibig sabihin ni Darryl, Tj?” – mahinang tanong ng Mama niya.

Lumingon si Tj sakanila.

Tumango siya.

“Sorry Ma..Dad..” – mahinang sabi niya.

Lumapit sakanya ang Daddy niya at niyakap siya.

Dun na nagsimulang umiyak ang Mama niya..

“Bakit hindi mo sinabi samin ng Daddy mo?”

“Ayaw ni Darryl Ma.” – sagot niya.

“Pero kahit na, magulang niyo kami Tj dapat alam namin lahat ng nangyayari sa inyong magkapatid..”

Tumango si Tj.

“I’m Sorry Ma..”

“No, were sorry for not knowing it..” – sabi ng Mama niya.

 ---------    

Naglalakad na ako sa hallway ng ospital ng marinig kong tawagin ako ng Mama ni Tj.

“Alexis..”

Humarap ako.

“Ah, pasensya na po Tita kung umalis ako ng walang paalam..”

Niyakap ako ng Mama ni Tj.

“Thank You..” – bulong niya.

“Wala po yun Tita, sa totoo nga lang po hindi ko rin alam.. huli na rin po nung nalaman ko..” – sabi ko.

Kumalas si Tita sa pagkakayakap sakin at hinawakan ang kamay ko..

Numb is inTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon