CHAPTER 17: I’ll be watching you. (Part 2)
Si Alexis >>>>>>>>>>>>
MATTHEW’s P.O.V
Magkasama nanaman kami ngayon ni Alex. Ano pa? hindi kami nakapag exam. Bibigyan nalang daw kami ng special exam.
“Hayaan mo na nga.” – naiiritang sabi niya, saka naglakad palabas ng university.
Sinundan ko siya.
“Saan ka pupunta ngayon?” – tanong ko.
“Magpapakasaya, bakit sasama ka?” – tanong niya habang tutok na tutok sa cellphone niya.
Tinignan ko lang siya.
“Tsk, Tj.. magreply ka naman..nasa Las Vegas ka na ba talaga..” – bulong niya.
Break na tinetext parin?
“Diba break na kayo?” – tanong ko.
“Oo, bakit masama ba umasang babalik siya sakin?” – tanong niya habang nakataas ang isang kilay.
“Umaasa ka pa rin kahit na may nabuntis na siyang iba?” – tanong ko.
“Oo. Hindi naman niya mahal si Nezza eh.. ako ang mahal niya.” – diretsong sagot niya.
Wow. Martyr nitong babae na ‘to.
Tinignan ko ulit siya.
“Bat mo ko tinititigan?” – tanong niya.
BINABASA MO ANG
Numb is in
Teen FictionPaano kung ang taong mahal na mahal mo ay iiwanan ka para sa isang bagay na hindi mo inaasahan? Ipaglalaban mo pa ba siya kahit alam mong mali na? O kakalimutan mo na siya para sa isang taong alam mong palaging nanjan para sayo? Ito po ay kabaliwan...