Nadine Montello

12 1 0
                                    

Sino nga bang may gusto na mag mahal ng may kahati? Sino nga bang may gusto na maging pangalawa lang? At sino nga bang may gustong magmahal ng mali?

Hindi ko naman ginustong mag mahal ng pag aari ng iba. Na kahit anong pag-iwas ang gawin ko, hindi ko parin mapigilan. Pikit mata ko na lang tinatanggap ang katotohanan makasama ko lang siya kahit sa konting sandali?

Siguro ang tingin nila sakin ay malandi, kirengkeng at mang aagaw. Siguro nga. Pero kahit kailan hindi nila maiintindihan ang sitwasyon ko. Kahit kailan hindi nila malalaman yung pakiramdam na meron ako. Nagmahal lang naman ako. Yun nga lang sa maling tao.

Sinubukan kong pigilan pero hindi ko kaya, kahit pa na may boyfriend nakong iba.

Nagi-guilty ako pero hindi ko alam ang gagawin ko. Mabait, maganda at matulungin. Ganyan ko mailalarawan ang babaeng inagawan ko.

Sinira ko yung tiwala niya. Sinira ko pati narin ang pinagsamahan namin. Sinira ko ang lahat. Sana mapatawad niya ko. Sana maitama ko pa ang mga pagkakamali ko. Sana hindi pa huli ang lahat.

Ako si Nadine Montello. 18 years old. Grade 12 student. Simple lang ang buhay ko pero isang araw nagising nalang ako na nasa ganito nakong sitwasyon.

Hindi ko ginusto pero alam kong ako ang dahilan kung bakit nagkaroon ng Love triangle.

My Love Triangle (Toxic Love)Where stories live. Discover now