I have a girlfriend. Mabait, maganda, at matalino. Sa 4 years naming pagsasama, wala kaming masyadong pinag aawayan. Hindi kami naghihiwalay. Merong tampuhan, hindi pagkaka-intindihan, at palitan ng masasakit na salita pero at the end of the day ay napapalitan rin ang away ng lambingan at tawanan. Napaka understanding naman kase ng girlfriend ko.
Kate Dela Cruz. Siya ang babaeng papakasalan ko pag dating ng tamang panahon. Siya ang babaeng dadalhin ko sa altar. Ang babaeng magiging ina ng mga anak ko. Ang babaeng makakasama ko sa hirap at ginhawa, sa lungkot at saya, hanggang sa huling hininga.
Hindi naman ako babaero, at wala akong balak na palitan pa yung babaeng pinakamamahal ko. Friendly lang ako. Hanggang sa makikilala ko si Nadine. Nag iba ang lahat ng pananaw ko. Nag iba yung nararamdaman ko. May something sa kanya na nakapag pabihag ng puso ko. Yung tipong ayaw kong maging hanggang kaibigan na lang. Gusto ko higit pa don. Im a jerk right? I know. Nalilito ako. Nahihirapan ako kung sino ba ang pipiliin ko. Kung sino ba ang mamahalin ko. Kung sino ang bibitawan ko. Kase sa punto na 'to parehas na silang matimbang sa puso ko.
Pwede palang mangyari 'yon no? Ang ma-in love sa dalawang tao sa iisang pagkakataon.
Im Chester Gozon. MVP ng basketball team dito sa campus at meron akong napakagandang girlfriend. Wala nakong hahanapin pa. Hanggang sa dumating ang isang babae na nagpagulo ng isip pati narin ng puso ko.
Yung dating simple at masayang relasyon na meron ako ngayon ay isa ng napaka gulong love triangle.
YOU ARE READING
My Love Triangle (Toxic Love)
Teen Fiction"Hindi siya hahanap ng pangalawa kung naging kuntento siya sa una!" -Nadine "Bakit ba napaka tanga mo? Hindi ba malinaw na pampalipas oras ka lang niya? Na ako parin ang tunay na mahal niya!" - Kate "Naguguluhan ako! Hindi ko alam kung sino ang pipi...