Chapter 3

2 0 0
                                    

Chapter 3: Transferee

"Dapat lang sayo yan!"

Napahinto ako sa paglalakad ng makita kong may babaeng pumukol ng malaking bato sa ulo ni Nadine. Lumapit ako sa direksyon nila para alamin kung ano nga ba ang nangyari. Pambu-bully ang ginagawa niya at hindi tama 'yon.

"Bakit mo siya pinukol ng bato? Anong kasalanan niya sayo?" Tanong ko pagkalapit ko sa kinatatayuan nila. Teka, siya yung babaeng sumugod kay Nadine kahapon ah.

"Nilandi lang naman ng makating babae nayan ang boyfriend ko. Pwes, tuturuan ko siya ng leksyon! Ugh!" Hinablot niya yung buhok ni Nadine at winagwag ito. Halos mapahiga na sa lupa si Nadine. Hinila ko yung kwelyo nung babae sabay tulak sa kanya palayo.

"Gusto mo ba talaga ng gulo!?"

"Hindi ako titigil hanggat hindi ko nasisira yung muka ng babaeng yan! Humanda talaga sakin yan!"

"Ah, ganon? Pwes muka mo ang sisirain ko pag hindi kapa tumigil!" Tinignan ko si Nadine. Nakasalampak siya sa lupa. Lumapit ako sa kanya at inalalayan ko siyang tumayo.

"N-nahihilo ako." Nagulat ako ng mapatingin ako sa noo niya. May dugong tumutulo mula rito.

Hinigit ko siya papunta sa clinic. Kailangang mabigyan siya ng paunang lunas. Kumalat na yung dugo sa buong muka niya ngayon. Gosh. Natataranta ako. Pagtingin ko sa likod nakasunod parin yung babaeng nambato kay Nadine. Hindi ba siya napapagod?

"Wag kang makialam dito!" Sigaw niya. Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya. Taas noo akong tumingin sa kanya. Hindi niya gugustuhing makita ang pagka maldita ko.

"Kapag hindi kaparin tumigil ako na ang makakalaban mo. Hindi mo ba alam na pambu-bully yang ginagawa mo? Makakarating sa guidance to at sisiguraduhin kong mapapatalsik ka sa iskwelahan na to! ALIS!"

"Ugh! Mache-tsempuhan din kitang malandi ka! Magkikita pa tayo!" Sigaw niya habang nakaturo kay Nadine. Pagtapos niyang sabihin yan ay umalis narin siya.

"Dadalhin kita sa clinic."

Pagpunta namin sa clinic, may lumapit agad samin na isang nurse ng makita kami. Pinapasok niya si Nadine sa loob at pinahiga sa kama. Habang ginagamot yung mga sugat niya naghintay lang ako sa labas. Nag aalala ako sa kanya.

Ano nga kayang dahilan kung bakit ayaw siyang tantanan nung babaeng 'yon. Anong dahilan kung bakit galit na galit sakanya yung babaeng 'yon. Bakit?

Maya maya lumabas na yung nurse. Lumapit agad ako sa kanya para tanungin kung ano na bang kalagayan ni Nadine.

"Kamusta na po si Nadine?"

"Malaki yung sugat na tinamo niya sa ulo. Pero sa ngayon okay na siya. Kailangan niya lang magpahinga."

"Ahh, ganon po ba? Salamat po."

Malapit ng magsimula yung next class ko kaya bumalik nako sa classroom. Mamaya ko nalang siguro babalikan si Nadine. Pagdating ko sa room napansin ko yung mga classmate kong babae na kinikilig. Abot tainga ang mga ngiti nila, parang mapupunit na yung mga labi nila. Anong meron?

"May bago nanaman tayong classmate."

"Nakita ko nga kanina kausap ni Ma'am tan, grabe ang gwapo!"

"Ang tangkad niya! Nakikinita kong daks siya."

Hindi ko nalang sila pinansin. Dumiretso ako sa upuan ko at sumandal sa sandalan nito. Kanina nung nakita kong may pumukol ng bato kay Nadine, naawa talaga ako sa kanya. Hindi niya deserve na tratuhin ng ganon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 28, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Love Triangle (Toxic Love)Where stories live. Discover now