Incoming call: Beshy Orphss
Accept | DeclineOrpha:
"Hi."Harper:
"Orpha! Marami kang dapat ipaliwanag sa'kin!"Orpha:
"Sorry. Nasira kasi iyung phone ko kaya
di ko nabasa iyung messages mo."Harper:
"Ah okay lang—teka, paano mo nalaman na
nag-message ako sa'yo? Wala pa
naman akong sinasabi, ah?"Orpha:
"Ha? Uhm... Sinabi ni Bridgette!"Harper:
"Pero hindi pa nas-seen ni Bridgette ang
messages ko. Paano niya malalaman?"Orpha:
"Harper, pinapairal mo na naman iyang
pagka-Conan mo! HAHAHA."Harper:
"Ah, Orpha. Teka lang, ah? May gagawin lang
ako."Orpha:
"Ah, ganon ba?"Harper:
"Mm.."Orpha:
"Ah, papasok ka sa school? Punta ka, ah?
Kita tayo sa may dating tambayan. Iyong
sa may abandoned building sa likod ng school?
Pupunta din sina Gette-Gette at Shine."Harper:
"Akala ko ba kaya tayo nagbago ng tambayan
e dahil sa ayaw mo sa lugar na iyon?"Orpha:
"Hmm?"Harper:
"Akala ko ba ayaw mo nang bumalik do'n?"Orpha:
"Ayish! Dami mong tanong! Basta punta ka, ah?"Harper:
"Orpha..."Orpha:
"Hmm?"Harper:
"Wala-wala. S-Sige. Pupunta ako."Orpha:
"Sige aasahin kit–ka namin, ah?"Harper:
"Hmm. Sure."Orpha:
"Sige! Byeeee!"Harper:
"Bye.."The call has ended.
"Shet. Totoo ba talaga ang sinasabi ng 2nd mission ko?"
BINABASA MO ANG
Destroyed
Mystery / ThrillerOne app. Thousand players. Hundred missions. Two endings. Destroy... Or be destroyed.