Tetris... Tetris...
Sino ka ba talaga?
Hindi ako mapakali habang nakahiga sa kama. Alam ko namang laro lang 'to pero hindi ko mapigilang kabahan. Parang totoo kasi.
Ayish. Nakakainis!
Mabilis akong binalot ng kakaibang takot at kaba nang biglang mag-ring ang phone ko. Nang makita kong si Orpha iyon ay agad akong nanigas. Shet. Dahil ba sa hindi ko sila sinipot?
Hindi ko din naman alam kung bakit, eh. Basta bigla na lang na ayaw ko silang siputin ni Bridgette. Binabagabag na kasi ako ng mga sinabi no'ng unknown player na sineen ko tapos si Sunshine.
Speaking of Sunshine, hindi na niya ako kinakausap. Tinotoo niya talaga ang mga sinasabi niya. Pero bakit ba? Para saan? Agh. Naiinis kong binato ang phone ko sa tabi ko saka nahiga uli. Nasabunutan ko na ang ulo ko sa sobrang frustration.
Halos ikahulog ko na sa kama nang mag-ring muli ang phone ko. Shet. Sana hindi na si Orpha.
Deym.
Hindi nga si Orpha, pero si Bridgette naman.
Agad kong nilagay sa airplane mode ang phone ko para 'di na sila tumawag pa. Nakahinga lang ako nang maluwag nang lumipas ang ilang minutong walang tumatawag. Ngunit gano'n na lamang ang inis ko nang mag-ring muli ang phone ko.
Shet lang! Naka-airplane mode na nga, eh!
Pagkasilip ko ay nakita kong mula pala iyon sa Destroyed. Kinagat ko ang labi ko sa kaba. Io-open ko ba? Ayish, bahala na.
Dali-dali ko itong binuksan at tinignan kung anong meron. Pagkabukas palang ng game ay sinalubong agad ako ng isang notif.
We see you are having a hard time with your 3rd mission. Want a clue?
Tangina.
MAY CLUE NAMAN PALA, EH!
Letseng Destroyed. Kainis lang. Sarap mong i-uninstall! Gagi ka!
Nang mapindot ko na ang 'Yes' ay may nagpakita na namang notif.
Check your Chatbot!
Goodluck, Destroyee!Kumunot ang noo ko sa nabasa ko. Anong meron sa Chatbot? Huwag mong sabihing paghahanapin ako nito ng mga user na may pangalang Tetris Fajardo? Aba, gaguhan?!
Kahit nag-aalangan ay binuksan ko pa rin ang Chatbot ko. At gano'n na lamang ang gulat ko nang may magpakitang Tetris Fajardo sa mga message threads. Ngunit mas nagulat ako nang mabasa ko ang kakatanggap ko lang na message niya.
Tetris Fajardo:
I know you're still up with the 'ignoring' thing of yours but why the hell is your name showing up? Wala naman akong naaalalang sinabi mo ang pangalan mo, ah.Napanganga na lang ako. Mabilis pa sa alas kuwatro akong nag-type ng reply.
Ikaw?! Ikaw si Tetris Fajardo?!
Tetris Fajardo:
How did you know that? Did the game
help you?Tetris Fajardo:
Damn. Listen, you're in danger.Tetris Fajardo is typing...
Sorry. Sa susunod na lang iyan.
Kailangan lang talaga. Sorry uli.
You blocked this user.
BINABASA MO ANG
Destroyed
Mystery / ThrillerOne app. Thousand players. Hundred missions. Two endings. Destroy... Or be destroyed.