20

29 1 3
                                    

Kanina pa ako paikot-ikot sa sala, nag-iisip kung bubuksan ko ba iyong box o hindi.

Pwede naman sigurong hindi, diba? Pero mukha kasing kailangang buksan talaga. Tsaka reward naman ang sabi...

Baka pagkain? O appliances?

Muli kong sinulyapan ang box na ngayo'y nasa harapan ko. Tama ang sinabi no'ng game, malaki nga talaga 'tong box. Pero ang pinagtataka ko lang, sobrang bigat naman yata! Parang may kung anong bagay sa loob!

Tsaka ang baho-baho rin!

Kumunot ang noo ko nang mapansing may nakaipit na sulat sa gilid. Ay tanga, ba't ngayon ko lang 'to napansin? Mabilis ko itong kinuha at binasa ang nilalaman.

Dear Destroyee,

        Harper, right? I am a Destroyer in the game and you have already known me. Always watch your back, love, for not everyone is your comrade. :D

        P.S. Enjoy your gift. :)
Your admirer,
  T

Ewan ko ba pero hindi ko maiwasang kilabutan sa nabasa ko. Parang death threat pa nga 'to kesa love letter, eh! Ayish. Ano bang nangyayari sa buhay ko ngayon? Ba't parang naging thriller naman na yata?

Sa pagkakatanda ko, teenfic lang ang buhay ko, eh. Pero tignan mo nga naman, nakatanggap pa ako ng box! Thriller talaga.

Speaking of box, buksan ko na kaya? Kanina pa ako nac-curious dito, eh. Parang may something sa box na dapat kong makita.

Pero ang creepy pa rin talaga ng nagpadala ng sulat. Just saying~

Humugot muna ako ng isang malalim na hininga bago napagpasyahang buksan iyong box. Ngunit gano'n na lamang ang gulat ko nang makita ang nasa loob.

"Pakshet. Ano 'to?!"

Pagkabukas na pagkabukas ko ng box ay agad na bumungad sa'kin ang nagsisilabasang mga langaw at ang umaalingasaw na mabahong amoy na nagmumula sa loob. Pero hindi iyon ang talagang ikinagulat ko.

Kun'di ang tumambad sa'kin na katawan ng isang babae. Masasabi kong hindi na ito buo sapagkat na-chop nang maigi ang bawat parte at maayos na nakasilid sa loob. Halos kagatin ko na ang buong labi ko, mapigilan lang ang sarili ko sa pagsuka. Nanginginig ako sa takot pero kailangan kong makita. Kailangan kong malaman kung sino 'to nang ma-report ko na sa pulis.

Bagama't natatakot ay pinilit ko pa ring iharap sa'kin ang pugot na ulong nakalagay sa itaas ng na-chop na mga parte ng katawan. Ngunit para akong pinagsakluban ng langit at lupa nang makita ko kung sino iyon. Gusto kong pumikit pero tila ba nawalan na ng kontrol ang isip ko sa katawan ko. Nabato ako sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa babaeng hindi ko aakalaing aabot sa ganito ang sitwasyon.

"Sunshine..."

Tangina. Bakit ganito?!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 13, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DestroyedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon