Cien's POV
*KRIIIING!!! KRIIIING!!! KRIIIING!!!*
Dinig na dinig ko ang malakas na alarm na 'yon mula sa gilid ko ngunit hinayaan ko lamang itong mag-ingay."Bahala ka d'yan. Matutulog pa ako." Pagkausap ko sa alarm clock, ipinikit kong muli ang aking mga mata at hindi nagpatinag sa lakas ng ingay ng alarm.
Maya-maya pa, naramdaman ko ang mahinang yabag ng mga paa na dahan-dahang lumalapit sa akin hanggang sa biglang namatay ang alarm clock.
Hindi na ako magtataka. Si kuya yan, pustahan tayo!
"Eri Cien Ariam Vallemore!!!" Malakas na sigaw ni kuya sa tenga ko.
Sabi sayo e. *smirk*
Iminulat ko ang mga mata ko at binigyan siya ng matalas na tingin at pumikit muli.
"Ah ganon, ayaw mong bumangon? Naghahamong sabi niya ngunit hindi ako nagpatinag, sa halip ay natulog akong muli ngunit napabalikwas ako ng bangon nang bigla niyang hilain ang magkabilang paa ko hanggang sa bumagsak ako sa sahig.
"Araaaaay! Ano ba naman, kuya!!" Nag-aapoy ang mga mata kong sinigawan si kuya habang iniinda ang sakit ng pwetan ko!
Ouch HUHUHU
Nakahalukipkip siya habang diretsong nakatingin sa akin na animoy walang pakialam kung mabalian ako ng buto.
"Anong silbi ng alarm clock mo?" Aniya habang seryosong nakatingin sa akin.
"Babangon rin naman ako after 5 minutes e!"
"Edi sana, sinet mo yung alarm mo ng 6:05, tss." Aniya
"E bakit ba nanghihila ka ng paa?!"
"Whoa! You should thank me, baby girl. You ask me for a favor last night, diba? Sabi mo, kung hindi man effective 'yang alarm clock mo, ako na ang gigising sayo. Pero kung hindi pa rin kita magising..." He paused then smirked. "I can do WHATEVER I want." Pagtatapos niya.
~FLASHBACK~
"Cien, anong oras ang first class mo tomorrow? Tanong ni kuya habang nakatutok ang mukha sa loptop niya. Ako naman ay nag babasa lang ng mga pocketbooks.
"8AM kuya, bakit?"
"Good. Sabay na tayo bukas."
"Mmm.."
"Wake up early tomorrow. Ayaw ko ng naghahabol sa oras."
"Edi mauna ka nalang!"
"NO! I will be your " HATID AT SUNDO" and that's a command from mom and dad." Kontra niya sa akin.
Napagdisisyonan kasi nila mommy at daddy na kailangan na namin maging independent since we're already working. Bini-baby kasi kami ng parents namin kaya ayun. Gets nyo? HEHEHE
"Ugh! Fine! Mag aalarm nalang ako!"
"Okay"
"Pero kung hindi pa ako nagising, ikaw na ang gumising sa akin."
"Pano kung hindi pa rin kita magising?"
"Do whatever you want." Pagsuko ko.
~END OF FLASHBACK~
"Fine! Lusot ka ngayon ah!" inis na sabi ko. "Mag-ayos ka na, baby girl. Ayoko ng babagal-bagal." Sabi niya. "Huwag mo akong bini-baby! Nang-gigigil ako sayo kuya! Hindi lang halata! Grrrr! Ang sakit ng pwetan ko!" I said and faked a cry.
Hindi nya na ako sinagot at lumabas ng kwarto ko ngunit ilang segundo lang ang lumipas, bumukas uli ang pinto ng kwarto ko.
"Huwag babagal-bagal." He said in a scary tone. Natawa ako ng bahagya sa iniastang 'yon ni kuya.
BINABASA MO ANG
Immortal Lovers
VampirePaano kung ang iyong kinasusuklaman na nilalang na naging dahilan ng pagkawala ng mga mahal mo sa buhay ang siya ring dahilan ng pagkawala ng iyong mga ala-ala. Ang mga bampira... Ngunit sa kabilang banda ay... ang kanilang mahal na hari na tinataw...