Cien's POV
Pinapakiramdaman ko si kuya habang nakatakip pa rin ang mukha ko.
Wala ba syang balak bagalan?
Tiningnan ko ang wrist watch ko at
"7:30 na!! Late na ako!"
Wag mo na palang bagalan! Sige! Bilisan mo pa!
"It's your fault! I warned you!" Sigaw ni kuya. Sigawan talaga kasi maingay ang makina ng kotse ni kuya.
Maya-maya lang ay nasa harap na kami ng school ko. Hindi ko na pinababa si kuya para pagbuksan ako dahil mukha siyang nagmamadali.
Pagbaba ko ng sasakyan, pinaharurot agad ni kuya ang kotse nya.
"Hindi man lang nag paalam?"
Teka nga.. kanina pa siya nag mamadali ah? May kailangan akong malaman!
Kinuha ko ang phone ko sa sling bag ko at in-scan ang GPS ni kuya.
"Hindi na muna ako papasok ngayon. Wala namang gagawin e." Pagkausap ko sa sarili ko.
Na detect na ng phone ko ang GPS ni kuya kaya dali-dali akong pumara ng taxi.
"Manong, alam niyo po ba kung saan 'tong VC Company?" Tanong ko kay manong driver.
"Oo, iha. Halika na, ihahatid na kita ro'n." Sagot ni manong kaya sumakay na ako sa taxi.
Sa kalagitnaan ng biyahe, biglang nag salita si manong.
"Agent ka ba, iha?"
"Ah.. h-hindi po. Mukha po ba kong agent sa suot ko?" Sagot ko kay manong habang sinusuri ang suot ko.
HUHUHU hindi ba bagay ang suot ko? Bago ako umalis tumingin muna ako sa salimin e. Bagay naman sakin!
"Nako iha, hindi ah. Bagay nga sayo e." Sabi ni manong.
" Yun naman po pala e. E bakit po tinatanong nyo ako kung agent ba ako?"
"Saan ka nga uli tutungo, iha?"
"Sa VC Company po."
"Diyan sa lugar na yan. Madalang lang akong maghatid ng pasahero sa lugar na yan dahil iilan lang ang nakakapunta dyan."
"Huh? Bakit naman po?"
"Ang sabi sakin ng unang naihatid ko sa lugar na 'yan, mga agent lang ang maaaring makapasok do'n. Malamang ay agent rin ang lalaking 'yon dahil sa suot niya."
"E ano po ba ang suot ng mga agent?"
"Black tuxedo ata ang tawag do'n sa kasuotang iyon. Bakit mo naman naitanong?"
Black tuxedo? E yun ang suot ni kuya kanina!
(°·°)
Sinasabi ko na nga ba e! May tinatago tong si kuya!
>>_<<
Kailangan kong malaman 'yon!
>>_<<
"Iha?" Pagkuha ni manong sa atensyon ko.
"P-po?"
"Bakit mo kako natanong?"
"A-ang alin po?"
"A-ahh.. w-wala, huwag mo ng isipin yun. Mukhang malalim ang iniisip mo."
Hindi na ako sumagot at nag pipindot-pindot nalang sa phone ko.
Ilang minutong binalot ng katahimikan ang kotse.
"Ang alam ko ay mayroong bagong misyon ang mga agents ngayon."
"G-ganun po ba?"
"Mmm.. at ang alam ko rin, 'pag may misyon ang mga agent ay hindi sila maaaring ma-huli. Kailangan ay nasa tamang oras ang kanilang pag punta sa kani-kanilang center dahil kahit ma-late ka ng isang menuto o segundo ay tanggal ka na sa trabaho." Mahabang paliwanag ni manong. Hindi ko na sya sinagot at muling pinagkaabalahan ang phone ko.
Ang dami namang alam ni manong.
Black tuxedo...
:-/
Bawal ma-late...
:-/
Bagong misyon...
(O_O)
"I knew it!" Hindi ko namalayang nasabi ko ang dapat ay nasa utak ko lang!
Hindi na pinansin ni manong ang pagsigaw ko dahil nandito na kami sa tapat ng VC Company.
Dali-dali akong kumuha ng pera sa wallet ko at inabot ang 1000 peso bill kay manong.
Pag-abot ko ng pera ay agad akong bumaba.
"Iha, s-sukli mo!" Pahabol ni manong.
"Keep the change manong! Thank you!" Sagot ko at tumakbo.
_______________________________________
Kasalukuyan akong nasa tapat ng garahe nitong VC Company at hindi malaman kung saan ako tutungo.
Nakakita ako ng bench kaya pumunta ako ro'n at umupo.
Tama kaya ang hinala ko?
*KRING!!KRING!!KRING!!*
Roxxy calling...
"Hi Roxxy" Matamlay na bati ko sa mataaaaalik kong kaibigan.
"Where are you!? May nangyare ba sayo?! Bakit hindi ka pumasok!?" Sunod sunod niyang tanong.
Alam kong nag-aalala lang siya ngunit hindi ko maalis sa sistema ko ang pagka-rindi! Ang ingay-ingay nanaman niya!
"P-pwede bang huwag kang sigaw ng sigaw?! Ang sakit sa tenga!"
"S-sorry. E nasan ka ba? Hindi ka man lang nag sabi'ng hindi ka papasok. Edi sana hindi na lang din ako pumasok! Naboboring tuloy ako." Malungkot ang tonong sabi niya. Batid kong naka-busangot ang mukha niya dahil sa tono ng kanyang pananalita, dahilan naman para matawa ako.
Childish...
"Hoy.. ano? Hindi ka ba sasagot?!"
"Sabi ng huwag kang sigaw ng sigaw!"
"E kasi naman! Kinakausap---hindi sumasagot!"
"Shhh! Ito na! May sasabihin ako!"
Umayos ako ng upo at luminga-linga pa sa paligid upang tingnan kung mayroon mang tao.
"A-ano yun?" Excited na sabi niya.
"Nanghihinala ako kay kuya e... Kanina kasi, papasok dapat ako p-pero... napansin kong balisa si kuya kaya napaisip ako. H-hindi naman siya ganon dati. Sa sobrang curious ko, napagdesisyonan kong hindi muna pumasok. Wala naman tayong gagawin, 'di ba?--- Ayun! In-scan ko yung GPS ng phone ni kuya tapos ay sinundan ko sya! Tapos, yung nasakyan kong taxi, naka-chikahan ko pa yung driver! Ayun! Nadagdagan yung curio---"
"T-teka nga! Pwede bang diretsuhin mo na!?" Putol niya sa kwento ko at napanguso naman ako.
"N-nanghihinala ako na isang 'agent' si kuya!"
A/N: Konti na lang naman yung ginagawa namin kaya nag ud ako. Saka naboboring din ako. Hindi ko po alam kung kailan ang next ud ko. Sooooobrang tagal po bago ako mag u-ud. Please be patient.
Thanks for reading po!♡
Saranghae! *finger heart*
BINABASA MO ANG
Immortal Lovers
VampirePaano kung ang iyong kinasusuklaman na nilalang na naging dahilan ng pagkawala ng mga mahal mo sa buhay ang siya ring dahilan ng pagkawala ng iyong mga ala-ala. Ang mga bampira... Ngunit sa kabilang banda ay... ang kanilang mahal na hari na tinataw...