Chapter 5

1.2K 29 16
                                    

Chapter 5

Blind Date

Nakaramdam ako ng inis dahil kanina pa ako naghihintay ng masasakyan pero walang dumadaan. Kung meron man,hindi naman pumapasada. Kaya ngayon,nilalakad ko nalang ang papunta sa pagkikitaan namin. Tinext ko narin si kuya pala,tingin ko naman hindi siya nagalit sa bigla kong pag-alis. Ayon pa,hindi ako matiis non.

Kuya:

Saan ka nga pupunta?

Kaagad ko itong nireplayan,parang galit ata?

Me:

Milk tea shop.

Kuya:

With who?

Napairap ako.

Me:

tolits!

Kuya:

Hindi ka marunong magpaalam?

Sarcastic ang pagkakabasa ko 'don,kaya napagtanto kong galit nga talaga si kuya. Kanina lang ay wala 'tong load,pero ngayon nakaka reply na sakin.

Me:

I did!

Kuya:

Really? Saan ka nga uli nagpaalam?

Me:

Sa text!

Kuya:

See? Hindi ka pa sakin nagpaalam sa personal. May pa text text pa,akala mo namang hindi ka papayagan. Kotongan kita 'dyan.

Natawa naman ako sa sinabi neto,naiimagine ko tuloy si kuya na nakasimangot habang nag tatype.

After a seconds,he replied again.

Kuya:

Sige na. I already text him. Sinabi ko na iuwi ka bago mag 6pm. Kung hindi,magtago kana kay papa.

Nireplayan ko lang si kuya matapos ay nagsimula na muli akong maghanap ng masasakyan. Pero hanggang ngayon wala parin talagang dumadaan.

My phone vibrated again. It's a text message from tolits.

Tolits:

Where are you?

Me:

Wala akong masakyan. Please,pick me up here.

Tolits:

Kaya pala ang tagal mo,naghihintay na 'to. Sige na,san kita susunduin?

Kumunot ang aking nuo. Naghihintay? sino naman ang naghihintay?

Tinignan ko ang dinadaanan ko at ng makita ay kaagad kong tinext sa kaniya. Habang hinihintay ko ang libreng sundo,lumapit ako sa street vendor malapit sa tabi ko. Bigla akong natakam,bihira na kasi ako makatikim ng mga ganitong klaseng pagkain. Huling kain ko pa ata neto noong highschool ako. Kasama ko si yves. Tuwing uwian 'yon.

"Tay,magkano po ang isaw?" Tanong ko,ngunit napansin kong nagulat ito sa sinabi ko.

Saglit pa itong tumingin sa akin.

Tumikhim ito. "D-dos ang isa."

"Tatlo nga po. Atsaka.." tinuro ko ang hotdog "Isa po neto.." matapos ay sunod kong tinuro ang dugo. "tsaka dalawa po neto."

Tumango-tango si tatay,pero mariin paring nakatingin sa akin.

"Umupo ka muna hija,habang niluluto ko 'to." iminuwestra ni tatay ang upuan sa tabi niya.

"Sige po tay,pag naluto na po 'yan."

Ngumiti lamang ito.

Habang niluluto ay naglabas ako ng pera. "Magkano po lahat?"

"Bente-singko lahat."

Ng maiabot ko ang bayad,napansin ko kaagad ang namumula sa kamay ni tatay,nagtagal ang tingin ko mula doon. Mukhang napaso ata sa kung anong mainit,at nagtutuklapan na.

Nakaramdam ako ng awa para kay tatay,may suga't nat lahat-lahat nagtratrabaho parin.

"Wag ka mag-alala hija,wala lang ang sugat na'to." ani nito,napansin ata ang pagkatigil ko.

"Malayo sa bituka,para tumigil ako sa pagtitinda."

I smiled. Despite everything, he is still here selling hard on the road, he does not mind the heat and rain as long as he earns money.

"I like your ability in life tay, For your wife and child, right?"

Napabuntong-hininga ito at malungkot na tumingin sa akin.

"Oo pero,sarili ko nalang ang binibuhay ko ngayon." I see sadness in his eyes.

"Wala po kayong asawa at anak?"

Ngumiti ito. "Meron. Pero.." nagpatuloy lang ito sa pagluluto. "Matagal ng nawala ang asawa ko,pati narin ang anak ko."





Ng makuha ko ang plastic cup na may lamang dugo at isaw,sinunod ko naman ang hotdog na hawak-hawak ko lamang.

Kumuha lang ako ng sauce,matapos ay umupo ako sa upuan malapit kay kuyang vendor,sinimulan ko ng kumain.







Chased Away By Shadows (Paradox Series #1)Where stories live. Discover now