Mon’s POV
Isang linggo na ang nakaraan mula nung nakaka-embarass na Psychology Day Opening. Last day na ng Finals namin ngayon. Isang exam na lang at makakahinga na. It’s vacation time baby!!
Maaaga akong gumising ngayon upang makapuslit din ng saglit sa Library para naman makapagreview pa ng very vey light. Malay mo makatsamba rin ng mga points yung madaanan kong page sa saglit na iyon. Laking gulat ko nang pagdating ko sa Library ay puno na ito. Hindi na halos mahulugan karayom. Iba na nga ang amoy kahit airconditioned naman dito. I guess my best wasn’t good enough tho. Kaya naman naisipan kong maghanap na lang ng Milk Tea House o kaya naman ng Coffe House. Paglabas na paglabas ko ng Library ay naramdaman kong nagvibrate ang aking phone.
1 text message. From: Sir R.
“Good morning Mon. Sorry to disturb you pero gusto lang kita iinform na may training tayo later this afternoon at around 3 PM. Urgent lang. Sorry talaga kung may balak ka na mamaya. Later ko na lang din ieexplain sa inyo kung bakit. Good luck sa finals! :)”
Matapos kong basahin yung message ni Sir R ay nanlumo ako. Balak ko pa naman ng umuwi ng saglit sa Laguna para makabisita man lang sa aking mommy at daddy.
“Hi Sir R. Good morning din po. Sige Sir. No problem. My exam will end at 2:30 PM. Hahabol na lang po ako agad. But rest assured, I’ll attend. :) See you later!”
Reply ko naman kay Sir R. Si Sir R nga pala ang aking coach sa Volleyball team ng aming kolehiyo. Magkakaroon kasi ng Intercollege Summer Tournament sa aming Unibersidad. Kaya puspusan na ang training ng bawat team from different colleges. Big deal kasi ito sa aming unibersidad. Talagang pinaggagastusan kamo. Libre sapatos, jersey, bag at may food allowance pa. Siyempre bonus na rin doon na maraming makakakilala sa iyo. Kaso kahit na ganoon ay grabe naman sa patayan ang training. And you cannot say no pag may training and that’s because marami silang favors na binibigay sa amin. Isa na roon ang may kapit sa mga propesor lalo na kung medyo alanganin o tagilid ang grade mo. Fortunately naman, ‘di ko pa nagagamit ang lifeline na iyon.
“Ms, can I have a Grande Caramel Frappe?” order ko sa magandang binibini na nasa counter ng isang sikat na coffee house.
“Yes sir. Right away!” Tugon naman niya ng may isang malaking ngiti sa kaniyang labi.
Naghanap na ako ng mauupuan. Sakto at walang tao sa couch. Masarap kasi mag-aral doon. Malambot ang upuan. Plus doon din pinakamalakas ang signal ng kanilang WiFi. Haha! Kinuha ko na ang aking phone at nag-auto connect na rin ito. Hindi naman masyadong halata na tambay ako rito.
“Sir Mon? Your Grande Caramel Frappe is ready.” Sigaw ng lalaki roon sa counter. Agad agad akong nagtungo sa counter para na rin masimulan ko na ang aking additional na pagrereview.
“Ang aga aga sermon na!” Bulong ng lalaking nakasabay ko sa pagkuha ng aking inorder. Nagulat ako at napatingin sa kaniya. Medyo nakakakiliti kasi pag sobrang lapit nung pagkakabulong at naglinger yung hangin ng bibig sa tenga. Yung ganong feeling.. nakakapanghina lang.
“Ui Kuya Lance!” Sabi ko nung makilala ko na siya. “Kamusta? Aga mo ata nabuhay sa mundo a. Akala ko ba ‘di ka morning person?”
Natawa si Lance sa aking sinabi at ang tugon niya naman ay “I know. Look at me. Para nga akong Zombie ngayon e. Kaso no choice, kailangan mag-aral kahit papano. Kahit maka 1/100 lang ba. Para maipagmalaki ko sa nanay ko na nag-aaral ako kasi hindi zero nakukuha ko!” Nakatawang sagot naman niya habang may paayos ayos pa ng kwelyong nalalaman si mokong.
“Osige. Pagtrabahuhan mo ‘yang 1/100 mo ha? Osiya, mauuna na ako. Kailangan ko rin mag-aral e.” sabi ko naman sa kaniya habang tinatabig ang kaniyang kamay para hindi na maiayos ang kaniyang kwelyo. Nakakaasar na kasi ang itsura niya e. Haha!
BINABASA MO ANG
Bakit Ngayon? (BoyxBoy)
Teen FictionNaranasan mo na bang umibig sa isang tao na hindi inaasahan? Yung umasa ka pero wala naman pala. Naranasan mo na bang magmahal kahit nag-iisa? Yung sa feeling mo kayo. Pero sa panaginip mo lang pala. Naranasan mo na ba masaktan? Pero alam mong...