Episode 3

74 1 0
                                    

Mon’s POV

“Hi Mon!”

“Hi Mon!”

“Hi Mon!”

Paulit ulit yan sa isip ko. After four long years.. narinig ko ulit ang tinig ni Nicolo. After four long years na miski Hi ay wala akong natanggap. Akala ko galit siya. Pero biglang masaya pa tono niya.

“Ui bunso! Hi raw! Kanina ka pa lutang!” Sambit ni Kuya Lance sabay bangga sa akin upang senyas na umusog ako dahil wala siyang maupuan.

“A-ah, e-eh. H-Hi Nicolo. Ha-happy birthday.” Nauutal utal kong sambit. Hindi ko rin alam kung bakit ko nasabi yung Happy Birthday e. Siguro sadyang ‘di na lang nakapagpigil yung puso ko.

“Alam mong birthday ni Nicolo?” Nagtatakang tanong naman sa akin ni Kuya. Grabe yung titig niya. Parang ‘di makapaniwala.

“Oo bespren! Di mo naman sinabing magkakilala pala kayo ni Mon.” Tapik ni Nicolo kay Kuya Lance habang umuupo. Tapos ibinaling niya ang tingin sa akin at sinabing, “Long time no see.”

Ngayon ko na lang ulit natitigan ang kanyang mga mata. Hindi pa rin sila nagbabago. Nakakawala pa rin ng pagkatao. Tapos bumagay din sa kanya ang buhok niyang nakabrush up. Mukha na nga siyang matured mula nung huli naming pagkikita. Lalo siyang gwumapo. Siguro masaya ‘to sa lovelife niya.

“Ah oo nga e.” Yun lang ang aking naging tugon sa sinabi niya. Pero ang totoo marami akong gustong sabihin. Kung bakit bigla siyang naging ganoon sa akin. Kung bakit biglang parang naging balewala lang ako sa kaniya matapos niya akong hinayaang mahulog sa kaniya. Kung bakit biglaan siyang nawala. Tapos bigla siyang bumabalik. Bakit ngayon?

“Paano kayo nagkakilala ng bunso ko?” Tanong ni Kuya Lance kay Nicolo.

“Ah! Magkaschoolmate kami nung High School bespren!” Masiglang sagot naman ni Nicolo. “Kaya pala nilabas mo pa ‘tong pagkain ay may kasama ka. Ayaw niyo ba doon sa party room? Andoon lahat ng mga kaibigan ko. Mas masaya doon. Gusto niyo doon na lang tayo?” tanong niya naman sa amin.

Kanya palang birthday party iyon. Gusto raw kasi ng mga kaibigan niya ng kiddie party bilang salubong sa kaniyang pagiging twenty. Pero humindi na lang kami ni Kuya Lance at sinabing okay na kami dito. Nagpaalam siya saglit at aasikasuhin lang daw yung mga bisita niyang kaibigan at babalikan kami agad.

“Di mo naman nakwentong may kilala ka palang Nicolo.” Sabi ni Kuya Lance sa akin.

“Eh hindi mo rin naman nabanggit na may kakilala kang Nicolo. Bespren mo pa pala!” Sabi ko naman.

“Eh—

Hindi na natapos ni Kuya Lance yung gusto niyang ipambara pa nang dumating na si Nicolo at si Julian.

“Julz?!” Gulat kong tanong kay Julian pagkadating niya at kasama pa siya ni Nicolo. Siguro tong si bestie sinusulot si Nicolo! Haha!

“Ui! Bestie! Tinext ako ni Nicolo e. Andito ka raw. Kaya inimbita niya ko kasi baka raw maOP o kaya malungkot ka.” Sagot naman niya sa akin.

Naloka ako sa sinabi ni Bestie dahil concerned pala tong si Nicolo sa akin. After nang ginawa niya. Umupo na kaming apat at sinabi ni Nicolo na natapos na rin yung party doon sa party room kaya samin naman daw siya sasama. Ganoon pala kami ka-late. Si Julz katabi ko na tapos magkatabi rin yung magbespren.

“Ikaw pala yung bespren ni Nicolo sa school natin.” Sabi ni Julian kay Kuya Lance.

“Oo. Ako nga. Matagal na kaming magbespren!” Nakangiting sagot naman ni Kuya Lance sabay subo ng fries.

Bakit Ngayon? (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon