Episode 4

75 3 0
                                    

Mon’s POV

“Mahal mo rin ako?” Sabi nung boses sa isang malumanay na boses. Naramdaman ko ang kaniyang hininga na dumapo sa aking tenga. Nakaramdam ako ng kuryente na dumaloy mula sa tenga ko papunta sa aking puso na nagpatibok dito ng ubod ng bilis. Ito na yung pinapangarap ko noon pa pero ngayon lang nangyayari. Ngayon lang nagkakatotoo ang mga pinapantasya ko sa aking isipan mapa-araw man o mapa-gabi. Pero.. Bakit ngayon? Hindi ko maiwasang itanong sa aking sarili iyon.  Bakit ngayon lang? Bakit ngayon lang Nicolo? Paulit ulit iyon sa aking isip sa loob ng isang napakabilis na panahon. Pero kahit na gayon ay kaya ko siyang tanggapin sabi ng aking puso. Kaya’t nung makaipon na ako ng sapat na lakas ng loob at tiwala sa kaniya at sinambit ko ang mga sumunod na linya ng may pag-ibig “Oo, mahal na mahal kita noon pa –

..La-Lance?!” Gulat na gulat kong sabi pagkatalikod ko. Sasabihin ko dapat na ‘Oo, mahal na mahal kita noon pa Nicolo’ pero si Kuya Lance pala ang nasa aking likuran. Nawala lahat ng pagmamahal na naramdaman ko at parang kinuha lahat ng lakas ko. Napatungo ako sa hiya dahil akala ko si Nicolo ang bumulong sa akin. Taos puso pa naman ang mga sinambit ko.

“O Bunso? Mahal mo ko noon pa?” Tanong niya ng nakangisi.

“A-ah, h-huh?” Nauutal-utal kong sabi dahil hindi ko talaga alam ang aking sasabihin kay Kuya Lance.

“Sabi mo mahal na mahal mo ko noon pa Bunso e.” Inilapit niya ang kaniyang mukha sa aking mukha at hinawakan ako sa aking balikat. Bumaba rin siya ng kaunti dahil mas matangkad siya sa akin ng ‘di hamak.

Hindi ko alam ang idadahilan o ipapalusot kay Kuya Lance. Gulong gulo na ang aking isip. Kung anong tinagal ko para mahintay ang pagkakataong ito kasama si Nicolo ay siya naman biglang paglaho niya. Bigla na lang lumabas sa aking bibig ang palusot na..

“Oo Kuya. Mahal na mahal kita noon pa..”

***

Lance’s POV

“Oo Kuya. Mahal na mahal kita noon pa..” Habang sinasabi ni Bunso iyan ay hindi na mapigilang tumibok ng mabilis ng aking puso. Tila gusto na nito lumabas sa aking dibdib at tumibok para sa lahat ng tao sa World Trade Centre. GRABE YUNG FEELING MEN! Ito yung hinihintay kong pagkakataon upang aminin kay Bunso ang aking nararamdaman. Binago niya ako simula pa last year na nagkakilala kami sa Team. Sa kaniya lang ako unang nabading. Pero wala na akong paki kahit na ano pang sabihin ng ibang tao. Ang mahalaga ay mahalaga siya para sa akin at sana ganoon din ang nararamdaman niya para sa akin. Ngayon ko iyon malalaman.. Ito na yun..

“Oo Kuya. Mahal na mahal kita noon pa.. bilang Kuya ko.”

Bilang KUYA ko..

Bilang KUYA..

KUYA.

Bigla akong napabitiw sa kaniyang balikat at inilayo ang aking mukha nung narinig ko ang katagang iyon. Mahal na mahal niya ako noon pa bilang KUYA?! Kuya lang pala ang tingin niya sa akin. Akala ko pa naman ang mga kabaitan at sweetness at caring na ipinapadama niya sa akin sa buong time namin na magkakilala ay bilang more than mag-Kuya. Umasa ako na may nararamdaman siya sa akin pero nahihiya lang siya umamin. Akala ko meron kaming chance. Akala ko worth it yung paghihintay.. sana pala matagal ko nang itinanong sa kaniya.. Hayss.. Bakit kasi ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob?

***

Nicolo’s POV

Masasabi ko na dapat na mahal ko si Mon e! Magagawa ko na dapat yung apat na taon kong pinaghandaan e! Pero biglang may dumating! Biglang dumating si Bespren Lance! Akala ko ba umuwi siya ng Cavite?!

Nung makita ko siyang na papalapit na kay Mon ay bigla akong umalis sa aking kinatatayuan at naghanap ng matataguan. Dala na rin siguro ng takot at hiya dahil baka marinig niya ang aking mga sasabihin at magulat. Kahit kasi alam niya na nagkakagusto ako sa kapwa ko lalaki ay never pa akong nagkarelasyon sa kanila. Kaya alam kong magugulat yun. Lalo pa na bunso niya pala si Mon. Pero kasi ang ganda na nung momentum e! Nasabi ko na kay Mon ang dahilan kung bakit ko siya nilayuan noon. At nakita ko sa mga mata ni Mon habang naglalakad kami at ikinikwento ko ang dahilan sa bawat litrato na nagegets niya na ang mga pangyayari. At alam ko sa puso ko na napatawad niya na ako.

Bakit Ngayon? (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon