"Makikita mo lang ang halaga ng isang tao pag wala na ito sa'yo"- Bitter Status
____________________________________________
Kahit hinde mo ko pansin ay ayos lang basta ang mahalaga mahal kita. Maraming nagsasabing "Tama na! Huwag kang tanga" pero hinde ko pinapansin kasi nga mahal kita. Mahal kita kahit di mo ko kilala.
Kahit may kasama kang iba ay ayos lang. Wala akong karapatang pagbawalan ka kasi wala tayong koneksyon sa isa't isa. Kaya kahit masaktan man ako diko iniinda kasi sa tuwing naiisip kong mahal kita ako'y napapangiti na lang bigla na parang tanga.
Kahit balewalain mo ko ay ayos lang. Wala akong magagawa mahal kita pero di moko mahal. Masakit na masaya. Masakit kasi yung katotohanang ikaw lang pala ang nagmamahal sa inyong dalawa. Masaya kasi sa tuwing titigan mo sya mas lumalalim ang pagmamahal mo sa kanya. Kahit pa kamuhian mo ko mamahalin parin kita ng buo dahil ang tunay na NAGMAMAHAL KAYANG HINTAYIN ANG MINAMAHAL.
Dumating ang araw na pinakahihintay ko. Ang araw kung saan sasabihin ng puso ko ang tunay na nilalaman nito para sayo. Ngunit akala ko ako na pinakamasayang tao sa mundo yun pala ay nagkamali ako dahil nalaman kung may GIRLFRIEND kana pala at iyon ay ang bestfriend kong alam na mahal kita.
Mundo ko'y parang gumuho. Lakas ng loob na inipon ko para sayo ay biglang naglaho. Hinde ko lubos maisip na ang matalik kong kaibigan pa. Ganito ba kamapaglaro ang tadhana? Bakit kailangang kaibigan ko pa? Ang sakit. Sobrang sakit. Yung taong akala mong tutulong sayo sya pa ang magiging dahilan para masaktan ka ng ganito.
Araw ay lumipas ngunit sugat sa puso'y hinde kumukupas. Tiniis kong wag kang titigan pero hinde ko maiwasan. Pero hinde ko inasahan ang aking nasaksihan. Ang kaibigan ko ay iyong kahalikan......
~To be Continued~
Next Slide....

BINABASA MO ANG
Until you see (One-shot)
Cerita Pendek"Makikita mo lang ang halaga ko kapag wala na ako."- ako. Date Started: 03-01-18 Date Finished: 03-01-18