List 7

1 0 0
                                    

“Don’t be afraid to take re-route. Sometimes its the right path to take”

   -anoniemoe✋

List 7


Matagal natulog ang mga kasamahan ko kagabi dahil nag iinuman pa sila. Kunti lang ang ininom ko dahil bihira lang talaga akong uminom at mababa lang ang alcohol tolerance ko. Hard drinks pa naman ang ininom nila kagabi.

Pumasok na kaagad ako sa kwarto at natulog after ng ikalawang shot ko. Di naman sila nagreklamo sakin dahil tinakot ko sila na baha sukahan ko silang lahat hahahahah mukhang effective naman.

Ako ang pinaka unang gumising sa amin lahat. Mukhang naglasing nga silang lahat. Nakakahiya namang kung gigisingin ko sila kasi for sure masakit pa ang mga ulo nito.

Nakokonsyensiya din akong kumain mag isa para sa breakfast buffet ng hotel. Napagdesisyonan kong magkape nalang muna at kumain ng tinapay na available sa pantry dito sa room.

Alas 8 ng magsimulang gumising ang iba sa kanila. Hindi sila nag reklamo ng hangover. Siguro mga professional drinkers na tong mga to. Hindi na madaling tamaan ng alak. Mabuti nalang di ako nakipagsabayan sa kanila kundi wasak ang kaluluwa ko pagkagising kinabukasan.

Mga alas nuwebe ng magising lahat at nakahabol pa kami sa breakfast ng hotel.

Hindi nako masyadong kumain dahil nabusog nako sa tinapay na kinain ko kanina.

“We should all take a morning swim after we eat” decide ni Mark, ang kapareho kong pinoy sa grupo. Nag agree naman ang buong grupo.

“For sure! The waters gonna wake up your sleeping brain Max” paunang asar ni Rich na tinawanan naman ng lahat.

“Whatever! Just eat your favorite hotdog you d*ck” saad ni Max sabay saksak ng hotdog sa bibig ni -----. Tawanan na naman ang buong mesa hahahahaha. Nakakatakot na nakakatawa magalit tung si Max. Ika nga nila mang-asar na sa taong lasing wag lang sa bagong gising.

Pagkatapos naming kumaing ay nagbihis na kami para maligo. Wala sa plano ko ang pagsusuot ng two piece pero nao-out of place ako sa mga kasamahan kong babae dahil lahat sila naka swim suit at two piece. Eh wala naman akong dalang ganun dahil kung mag be-beach man ako ay tshirt at shorts lang ang susuotin ko. Sana. Kaso di nagpa awat ang mga ito at pinilit akong pagsuotin ng one piece suit na pinahiram pa ni Sam sa akin. Wala na akong nagawa kundi isuot nalang ito. Maganda siya. Kulay gray and blue na sakto lang ang hapit sa katawan ko. Pero, ayokong lumabas ng c.r. nahihiya ako. First time kung magsuot ng swim suit sa buong buhay ko.

“Serene come out now!” sabay katok ng napakalakas sa pinto ng c.r

“I think I can’t wear this” hindi ko talaga magawang lumabas ng naka swimsuit.

“Get out now or we’ll drag you here to the beach” pananakot pa ni Reigh sa akin.

Unti unti din akong kumabas sa c.r. Tinatakpan ang bahagi ng katawan na kayang takpan ng maliliit kong kamay. My face is burning of embarassment. Hindi ko kaya to. Babalik na sana ako sa loob ng c.r. nang hilahin nila ako.

“Wow Serene! We didn’t know you have this body”

“Your body can be one of the Victoria’s angel!”

Bulalas nilang lahat sa akin. Mas lalo akong nahiya. Ngayon buong katawan ko na ang nag iinit sa kahihiyan.

“I’m sure the boys will blow their eyes and heads off seeing your body” sabi pa nila.

“Come on. I can’t wait to see them salivate hahahah” pang-aasar naman ni Drea na hindi ko alam kung saan na gustong iparating, kung sa akin o sa mga boys.

Naglakad na kami palabas ng hotel at papuntang beach. Kahit na ayaw ng mga girls ay nagsuot ako ng pagtapal sa katawan ko. Pumayag na din sila nang sabihin kong huhubarin ko din naman kapag ka maliligo na kami.

Lahat sila nakalublub na sa dagat. Ang mga babae naman nag tatakbuhan na para lumangoy. Sinisigawan na nila ako na hubarin ang damit na ginawa kong pantapal. Naghubad na ako at nahihiyang tumakbo na din patungong dagat. Mabuting nang mas mabilis akong makalublob para di na makita ang katawan ko.

“Wow you are damn hot Serene!”

“That suits you Serene don’t be shy”

“That kind of body should be flaunt to people”

“Thanks!” yun lang ang nasabi ko sa kanila. Nahihiya pa rin ako.

Mga isang oras din kaming nag enjoy sa dagat. Ang sarap ng bawat hampas ng alon. Therapeutic sa pakiramdam na sa bawat himaymay ng dagat ay gumuginhawa din ang katawan namin.

Nadagdagan na naman ang pangingitim ko.

Pagkatapos namin magbihis ay naglibot naman kami. Binisita namin ang lumang mansion ng yumaong President Marcos na ngayon ay ginawa ng museum for the public to see.

We also visited the Paoay Church which is a UNESCO world heritage site. This church is built with corals. The corals makes a majestic design on the walls of the church. Dun na din kami kumain sa katapat na Herencia Cafe ng simbahan. They have their own specialty, the pinakbet pizza. Masarap naman siya but I guess it needs a little getting used to.

-----
Sorry ngayon lang uli naka update. I was just so caught up with school works huhuhu buhay stupidyante. Anyways I'm back now! Yeheeey!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 31, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bucket ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon