List 2

7 1 0
                                    


WARNING!!!! Ang ibang mga lugar na nabanggit ay kathang-isip lamang. Gawa-gawa lang ng author. Huwag i-judge dahil ito ay pure imagination. Enjoy! No to plagiarism!

List 2

Dala ang isang travelling bag, cash, cellphone, and camera, I begin my adventure.

Alas-singko ng umaga gumising na ako para bumiyahe. Nagsisisimula palang lumiwanag at naglalakad lang ako palabas ng village dahil wala pang tricycle. May nabook na akong grab at sa labas ko nalang sya hihintayin.

Hindi naging matagal ang byahe at nakarating narin ako sa isang bus station. Kukuha nalang muna ako ng ticket.

“Ate, north po”

“Ilan to?”

“Isa lang po”, sagot ko sabay abot ng pera.

Alas 8 pa naman ang byahe ng bus so ngayon mag aalmusal nalang muna ako. May mga kainan naman dito sa station pero mas gusto kong mag mcdo ngayon hehehe. Nasa tapat lang sya ng mismong station

Pagkatapos umorder ay umupo lang ako sa pinakasulok na pwesto, as usual para mas peaceful.

To be honest I am quite scared of what the place may offer me or kung anong klaseng tao ang meron dun, hindi ko alam. What I’m certain is, THIS WILL BE A ONE HECK OF AN ADVENTURE…. WITH MY SELF!

After kung kumain ay bumalik na rin ako sa bus station at duon na naghintay para sa bus.

“Oohhhh yung pa North, yung pa North, sakay na!”, sigaw nung konduktor ba yun.

“Pa North, pag North babyahe na!”

“Bilisan niyo pagsakay, ang babagal!”

Medyo natawa naman ako kay kuya hahahah ang lakas maka utos pressured na tuloy yung sumasampa.

I settled down on my seat. Nakapatong lang ang bag ko sa’king kandungan.

May katabi pala akong matandang babae, hindi naman sya ganun katanda, mga nasa mid-40’s lang.

“Girl ikaw lang mag isa?”tanong nya

Ay hindi ko alam na tita’s of manila pala tung si Tita. Nakakatuwa naman, ang bagets nya heheh

“Opo.”

“Moving on or moving forward?”, pina boy abunda nyang tanung.

Napangiti tuloy ako.

“Finding my self po”, sagot ko

“Ayyy ganyan din ako. Alam mo girl, when I was still tender, young, and juicy, I mean young parin naman ako ngayon hahahah, nagliwaliw din ako tulad mo. I travelled high and low places but there is nothing compared to home.”

“Uhhhmm…” di ako nakasagot. Gusto ko sanang sabihin na paano kung wala akong bahay na matatawag na home? But I keep that thought to my self.

“I mean hindi naman ako nakikialam pero payo lang naman. Still it’s your choice. Enjoy and have fun sa adventures mo baby girl.”

“Salamat po”. Sabay ngiti ko sa kanya.

“Selfie naman tayo jan. First documentation mo for your travel”, sabi nya sabay tingin sa camera na nakasabit sa leeg ko.

“Ayy sige po”

Nakapag take kami nang 5 shots ng iba’t ibang poses hahahaha nakakatawa kasi alam na alam nya yung mga peace sign at oppa heart. Nakakatuwa talaga. May tinuro pa sya saking Hang Loose daw, yung parang rock in roll na kamay pero di kasali yung hintuturo. Yun daw ang bagong uso ngayon hahaha. Di naman na orient kay Tita.

Sa buong byahe ay chika lang ng chika si Tita saken. Ang saya nga kasi halos buong buhay nya nakwento na nya sakin.

Nakakaidlip naman ako paminsan-minsan.

Halos mga bundok nalang ang nakita kong binabaybay namin. Matapos ang 2 oras na byahe napagdesisyunan ko nalang matulog muna.

“Baby girl, andito na tayo”, gising sakin ni Tita.

“Hala! Nakatulog pala ako. Salamat tita”, sabay ayos ko ng aking mga gamit.

“Saan ka ba pupunta, gusto mo samahan na kita?”, medyo may pag-alala nyang tanong.

“Hindi na po Tita, okay lang po talaga ako. Salamat po talaga.”

“Basta kaya mo na ha? Nasayo na naman ang number ko, just phone me if you need help”

“Opo tita. Thank you po talaga”

“Oh siya iwan na kita dito at sasakay pa ako ng pangalawang bus”, pamamaalam ni Tita sabay beso sakin

“Sige po. Babye!” sabay kaway ko sa kanya

Huminga ako ng malalim. ….

HMMMMMMMMMMM….

I can smell the old air.

Sa wakas andito nako sa lugar na maaalala at makikita ko na ang itsura ng nakaraan.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

VIGAAAAAN HERE I COMEEEE

WOOOOHHHHOOO!!

Bucket ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon