Nagmumukmok na naman ako sa gilid ng arcade. I was trying to think of ways para magmeet kami ulit.
"Oh. You're thinking of him again? Hindi ba tama na yung isang gabi na nagsama kayo? Pinupush mo pa rin kahit hindi na nagpaparamdam." Pambungad sa akin ng kaibigan kong sobrang kulit at sobrang strikto pagdating sa love life ko.
"Pake mo ba. Di naman ikaw nasasaktan ah. Tsaka busy lang yun. Galing U.A.E. kaya yun. The last time nga bumisita siya sa relatives niya sa probinsya. Ganon siya kabait.", sagot ko naman.
"Sen, makinig ka nga. Ang ugali ng lalakeng yun is "Freedom of Romance" lamang.", sabi niya sabay yung "quote hand gesture" niya. "And that means na parang meron kayo and special ka pero di ka na liligawan and never yun magsi-stick to one. Marami nang kalaguyo yun."
"Bakit parang galit ka Patrick? Inaano ka ba ng tao?", naiirita na ako ha. Kung di lang talaga best friend, sinapok ko na to sa ulo kakasawsaw sa buhay ko.
"The point is, mahalin mo rin sarili mo and deserve mo rin na mahalin. Mahal nga kita...syempre magkaibigan tayo. Tapos ano? Nalaman mo naman na nakikipaglandian din pala siya kay Kian na kaibigan mo? Tapos iimbitahin ka na sumabay sa gala nila? Para ano? Para mag threesome kayo? Sen naman. Mag-isip ka nga. Hindi naman yun gwapo sa iniisip mo ah?", galit na yata siya.
"Bakit ba? Porket ang gwapo mo at habulin ng mga babae, ganyan ka na makapagsalita? Hindi mo kasi alam yung feeling ng bakla kasi straight ka. Subukan mo kayang manligaw para naman mafeel mo yung nirereject ka at dinedeny pa habang may iba siyang pinapakilala sa iba? Palibhasa wala kang nililigawan sa mga babae mo. Kairita kang kausap. Bahala ka nga diyan. Mag-iikot muna ako.", sabi ko.
Pag hindi pa kasi ako aalis, di ako titigilan sa pagsesermon ng taong to.
"Teka sasabay ako. Akin na yang bag mo. Kakapagod kang tignan magmukmok."
At sumunod naman siya na walang imik.
While we were walking around the mall, napag-isip-isip ko rin na tama nga ang sinabi ni Patrick. Bakit nga ba attached na attached ako sa kanya? Dahil ba I was longing for him since nung nasa U.A.E. pa siya or because of the fact na umasa ako na mababalik pa ang dating kami once we spend a night together. Pero bakit hindi na bumalik after that night? Bakit parang naging mas malabo? What did I miss?
"Hi Sen."
I lifted my head.
"Kian. Oh, anong ginagawa mo dito? Sinong kasama mo?", tanong ko habang pinipilit kong ngumiti.
"Si Troy."
Then I saw him standing right behind Kian's back.
"Hi Sen. Kamusta ka na?", Troy asked me as if walang nangyari sa amin. Bakit it seem so odd?
"Uhh...I'm great. Saan kayo papunta?" I managed to gather my composure.
"Mag sisine sana kami. Gusto mong sumama?" And I saw Troy stepping closer towards me with those eyes na hindi na love ang napapakita.
I almost nodded.
"Sorry, but he's not coming with you." Patrick is stepping up for me.
"At sino ka naman?" Tanong ni Troy na parang nanghahamon.
"I'm his boyfriend. Bakit?" Ano raw?
And I felt Patrick's hand holding mine, pinching as if telling me to go with the flow.
"Uhh...yeah. We need to go. Magluluto pa siya ng dinner namin sa condo eh.", sabi ko and I dragged him going inside the elevator.
"Ano ka ba?! Bakit ka pa rin papayag na sumabay sa kanila?! Diba kakasabi ko lang sayo kanina na huwag ka nang sumabay kung ganon ang setup kasi masasaktan ka lang!" Sinisigawan na niya ako.
"Ako na ang tanga. Yun ba gusto mo marinig? Oo. Bobo ako."
I started crying.
He hugged me...tightly.
"Hindi ka bobo. Kulang ka lang sa pagbibigay halaga sa sarili mo. Mahal ka naman ng mga kaibigan mo...mahal naman kita. Kulang pa ba yun? You're somehow special to me kaya huwag ka nang umiyak, please.", he comforted me.
"Bakit mo ginagawa to? Palagi kitang inaaway pero bakit ganito ka? Bakit hindi na lang ikaw naging boyfriend ko?" Wala pa rin akong maisip kundi sakit.
"Diba sabi ko sa kanya na boyfriend mo ako?", tanong niya.
"Eh malamang part yun ng Star Magic contract mo eh!" Unti-unti na akong tumatawa.
"Edi totohanin na natin. Total, mahal naman kita eh. Higit pa sa kaibigan. Di mo lang nakikita kasi tumitingin ka sa iba." Nagdadrama pa.
"Ang drama mo.", sabi ko.
"Wow. Ikaw nga itong umiiyak oh. So ano na? Tayo na?" Tanong niya.
"Aba manligaw ka muna. Baka naglalaro ka lang diyan eh.", sagot ko naman.
"Edi sige. Simulan ko na ngayon."
And he kissed me on my forehead.
YOU ARE READING
Too Good To Be True
Teen FictionYour everyday dosage of one-shots that will surely feed your imaginations with hope and love.