Nais kong tanungin ang iyong pusong nag-papa-asa!
Ano nga ba tayo?
Ano nga ba status natin ngayon?
Ano nga ba ang kakahantungan nating dalawa?
Hanggang saan kaya ito makakarating?Marami,
Marami akong katanungan na bumabagabag sa aking isipan
Marami akong nais linawin at malaman saiyo!
Marinig mismo sa iyong mga labi, Ano nga ba ang relasyong namamagitan sa ating dalawa?
Hindi ko labis matukoy, kung mutual ba ang ating nararamdaman.
Paki-usap, ipaliwanag mo naman sa puso kong umaasa!Paki-usap,
Liwanagin mo ang aking puso't isipan
Kung wala ka namang balak na ako'y saluhin, paki-usap ngayon palang magsabi ka na
Nang ako'y maka-pag handa na!
Paki-sabi sa aking puso na hanggamg kaibigan lang talaga ang turingan, nang ako'y di na masaktan paSa ating conversation, na tila'y may namamagitan sa ating dalawa
Sa ating mga titigan, na tila'y pareho ang nararamdaman
Sa ating mga status, na tila'y nagpaparamdaman
Ano nga ba talaga ang katotohanan?Pinapa-asa mo lang ba talaga ako?
Sasaktan mo lang ba talaga ako?
Ipapa-fall mo lang ba talaga ako, ngunit hindi mo naman sasaluhin?
Kukunin mo lang ba talaga ang tiwala ko, at sasaktan din naman sa huli?
Ano? Ano ba talaga? Ipaliwanag mo naman saakin!Wag mo naman akong paasahin sa wala.
Wag mo naman akong gawing katawa-tawa.
Wag mo naman idaan sa mga sweet messages mo.
Wag mo naman idaan sa matatamis mong ngiti.
at Wag mo naman iparamdam saakin ang saya at kilig, kung babawiin mo lang rin naman ito sa huli!-------------------------------:::::*
~ate_twinkle