Masaya ako ngunit..........

4 0 0
                                        

Simula,
Simula nang ika'y masilayan, tibok na nararamdaman ay parang sasakyang kaybilis kung tumakbo
Simula nang ika'y makilala, tila'y kaybigat nang aking nadarama
Iginisang emosyon na hindi maintindihan kung sa'n patungo; at
Simula nang ika'y maging kaibigan, saya'ng nararamdaman ay umaapaw na tila'y ako'y nasa ulap

Saya,
Saya ang naramdaman nang ika'y maka-usap
Pinaghalong saya at kaba ang aking nadarama sa tuwing ika'y makakasalubong
Saya ang dahilan ng pagiging baliw saiyo; at
Saya na sana'y hindi na matapos ang kasiyahang ito

Sana,
Sana, sa araw na ito'y pareho ang nadarama
Sana, sa nararamdaman kong ito'y malaman mong ikaw ang sanhi
Sana, sa konting oras na ito ay iyong mapansin, ang siglang nadarama; at
Sana matapos man ang oras at araw na ito, ang ating nararamdaman ay maging isa

Hinihiling,
Hinihiling na sa twina'y ako'y iyong nasa isip
Hinihiling na dumating ang araw na ikaw naman ang kusang makakapag-muni-muni ng iyong tunay na nararamdaman
Hinihiling na sa bawat minuto, masaya ka rin na nagkakilala tayo; at
Hinihiling na walang araw ang lilipas, na ako lang ang nasa puso mo.......

Ngunit,
Ngunit lahat ng nasa isip ko ay kabaliwan lamang
Na lahat ng ito'y isang animated na maglalaho lamang
Na ang mga pangyayaring ito'y panaginip lamang..
Masaya ako ngunit, alam kong sa simula pa lamang, ang lahat ng ito'y walang kasiguraduhan!
-----------------*

Dedicated to my Secret Crush but my Bestfriend :* I miss you, Mamanti and termos ak'n 😘😍

~Nike✔

SPOKEN POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon